Sarah Lahbati, litaw ang angking ganda ng mukha at katawan sa kanyang photoshoot para sa isang magazine

Kung photoshoot lang naman ang pag-uusapan, paniguradong kering-keri ‘yan ni Sarah Lahbati ngunit hindi talaga maipagkakaila na masyado na niyang inangat ang standard pagdating sa photoshoots kung saan ay kinakailangan niya maging f!erce at fer0cious-looking.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Isa si Sarah Lahbati sa mga sikat at versatile na aktres ngayon sa industriya ng showbiz. Hindi lamang siya mahusay sa larangan ng pag-arte dahil kayang-kaya rin niyang sumayaw at humataw nang bongga ngunit hindi lamang dito natatapos ang kanyang kakayahan dahil labis din na hinahangaan ng karamihan ang kanyang skills sa pagmomodelo na patuloy naman niyang ibinibida sa bawat photoshoots.

Runway o photoshoots man, hindi talaga tayo kailanman binigo ni Sarah dahil palagi niyang napapabilib ang kapwa celebrities at netizens sa bawat magagandang resulta nito. Masasabi talaga na isa na siyang pro mula sa pagkokontrol ng kanyang expression at pagpo-pose.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Kapag nasa beach, matagumpay talaga na napo-portray ni Sarah ang kanyang “su|try look” at kapag nasa loob naman ng isang studio, sinisigurado naman niyang na-aachieve niya ang look na talagang inaasahan ng kanyang photographer. Kahit ilang beses naman siyang nagkaroon ng photoshoots, talagang mapapansin ang iba-ibang version ni Sarah na talaga namang naaayon sa theme ng photoshoot katulad na lamang sa pinakabago niyang collaboration sa Cosmopolitan Philippines para sa isang lookbook.

Sa update ni Sarah sa Instagram kumakailan lamang, ibinahagi niya ang iilan sa mga best na larawan mula sa ginawang photoshoot kung saan ay makikita siyang nakasuot ng itim na damit na talaga namang nag-complement sa kulay red na background.

Sa pagkakataong ito, mahaba at straight ang kanyang buhok na talaga namang naaangkop sa purpose ng ginawang photoshoot na para sa isang “lookbook for salon-gorgeous hairstyles”.

Credit: @sarahlahbati Instagram

“your hair is like a crown wear it like a queen” sulat ni Sarah sa kanyang caption.

Kaagad naman na dumagsa ang mga papuri at positibong mga komento galing sa kanyang fans at kapwa celebrities na hindi napigilang mapa-wow sa naging resulta ng ginawang photoshoot.

“Who else can do it like this???? Who else!!!” sinabi ni Gabriella Gibbs.

Credit: @sarahlahbati Instagram

“Omgggggg 🔥🔥🔥🔥 super gorgeous!!!!!” Sabi naman ni Ruffa Gutierrez.

“Ooooooh look at youuuuu🔥,” komento naman ni Mikaela Martinez.

Of course, hindi magpapahuli ang asawa ni Sarah na si Richard Guttierez dahil nag-iwan din ito ng sweet na komento na, “My Queen 👑 🤍”