Sarah Lahbati, masayang inanunsyo ang pagdating ng isang ‘baby girl’ sa kanilang pamilya ni Richard Gutierrez

Isa ang pamilya nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa mga pamilya ng mga artista na mayroong pinakamagandang lahi.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Hindi maipagkakaila na maganda ang lahi nina Richard at Sarah na makikita sa kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Kaya naman ganoon na lamang kasaya ang lahat nang inanunsyo ni Sarah na lumalaki na umano ang pamilya nila ni Richard.

Sa kanyang Instagram nitong October 28, ay ipinost ni Sarah ang ilang larawan nilang magpamilya kung saan kapansin-pansin ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Sa caption ng kanyang Instagram post ay ipinahiwatig ni Sarah na na may ‘new addition’ umano sa kanilang pamilya at isang “baby girl”.

“our family is growing and we’re happy to announce that we have a new baby girl. [grinning face emoji],” isinulat ni Sarah sa caption ng kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

our family is growing and we’re happy to announce that we have a new baby girl. 😁

A post shared by SLG (@sarahlahbati) on

Dahil sa caption ng kanyang IG post, maraming netizen ang nag-akalang ‘buntis’ ang TV actress-model.

Makikita sa unang larawan na ipinost ni Sarah na nakahawak si Richard sa kanyang tiyan habang katabi nila ang kanilang dalawang anak.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Ngunit imbes na bagong ‘baby’ ang panibagong dagdag sa kanilang pamilya, isa pa lang french bulldog puppy ang tinutukoy ni Sarah na makikita sa mga sumunod na larawan nilang magpamilya. Sa mga sumunod na larawan ay makikita si Sarah na hawak ang napaka-cute nilang alagang aso.

Samantala, mukhang marami naman ang talagang naniwala na ‘buntis’ ang TV actress-model.
Kabilang sa mga unang nag-komento sa anunsyo ni Sarah ang kapatid ni Richard na si TV actress Ruffa Gutierrez.

Reaksyon ni Ruffa, “Kalokaaaa I thought you were pregnant again!!!”

Tanong naman ng isang kaibigan ni Sarah na si Pinky Tobiano, “You preggy?”

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Natatawang sagot naman ni Sarah, “no achi”

Maraming netizen at tagahanga rin ni Sarah ang binati siya sa pag-aakalang buntis nga siya sa ikatatlong anak nila ni Richard. Komento ng netizens:

“Akala ko tunay”

“you got us!”

Credit: Sarah Lahbati Instagram

“ittsss a praankkk”

“haha I thought she’s preggy yung cute dog pala ang new baby girl”

“Kung di ako nagswipe akala ko buntis si Sarah. Iko-comment ko na sana..Ah, finally!!!”

Sina Sarah at Richard ay ikinasal nitong March 14 sa isang simple at intimate wedding ceremony.