Sarah Lahbati, nagkaroon ng unforgettable at magical na selebrasyon para sa kanyang ika-28 na kaarawan

Nadagdagan man ng isang taon ang kasalukuyang edad, nananatili pa rin ang kagandahan at kaseksihan ni Sarah Lahbati.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Maliban sa pagkakakilanlan ni Sarah bilang isang sikat na aktres at mahusay na modelo, isa rin siyang mapagmahal na asawa at mabuting Mommy sa dalawang anak. Bagama’t abala man sa trabaho, malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Sarah sa kanyang pamilya.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Bilang bonding, madalas silang nagbabakasyon dahilan kung bakit napakalapit nila ni Richard Gutierrez sa kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Kilala bilang isang couple na punong-puno ng romansa, hindi pinalagpas ni Richard ang pagkakataon na mapasaya ang asawa sa espesyal na araw nito.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Bilang pagdiriwang sa ika-28 na kaarawan ni Sarah, nagpunta sila ng kanyang pamilya sa Tanay, Rizal upang magkaroon ng camping trip. Sa labis na paghahanda ng aktor at sa tulong ng mga professional, nagawang mabigyan ni Richard ng “magical” experience si Sarah.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Sarah ang mga larawang kuha sa selebrasyon ng kanyang kaarawan na talaga namang kinahumalingan ng netizens.

Credit: @sarahlahbati Instagram

“and into the forest i go, to lose my mind and find my soul,” pahayag ni Sarah sa unang bahagi ng kanyang caption.

Halos hindi naman mapangalanan ni Sarah ang naramdamang kasiyahan sa hinandang selebrasyon ni Richard upang mabigyan lamang siya ng “magical” na karanasan.

“can’t even begin to find the words to describe how epic & magical last weekend was,” ayon kay Sarah.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Masayang iginugol ni Sarah ang buong weekend kasama ang pamilya kung saan ay nagkaroon sila ng bonfire sa gabi habang nag-enjoy naman sa pagwi-swimming at pagho-horseback riding sa umaga.

Matapos pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanyang matagumpay na selebrasyon, may sweet din na mensahe si Sarah para sa asawa na siyang nanguna sa pag-oorganize.

Credit: @sarahlahbati Instagram

“lastly, to the brains & heart of this trip, our dada, my love @richardgutz for turning this idea into reality. thank you for this unforgettable trip and for tirelessly working on making sure this was going to be epic for all of us. I LOVE YOU! 🤍”

Dahil sa kagandahan ng pamilya ni Sarah at Richard, talagang sinusubaybayan ng netizens ang bawat trip at bakasyon nila. Sa katunayan, kababalik lamang nila galing sa Switzerland kung saan ay sumubok sila ng paragliding sa unang pagkakataon at binisita ang mga magagandang lugar na featured sa sikat na k-drama na “Crash Landing On You”.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Dahil sa “magical” na selebrasyon ng kaarawan ni Sarah, talagang tumatak sa kanyang puso ang magandang karanasan at ang pagiging thoughtful ng kanyang asawa na si Richard.