Sarah Lahbati, nasurpresa nang makatanggap ng isang bouquet na may 150 roses mula sa asawang si Richard Gutierrez

Maraming paraan para ipakita at ipadama ang pagmamahal sa mga espesyal na tao sa buhay. Pwede itong ipakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras, laging pagsasabi kung gaano niya kamahal ang tao, o di naman kaya ay pagbibigay ng regalo.

Credit:Β @sarahlahbati Instagram

Kahit gaano kabusy sa trabaho ay hindi nakakalimot ang aktor na si Richard Gutierrez na ipadama at ipakita sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati ang kanyang pagmamahal.

Kamakailan lang ay napa- sana all ulit ang mga netizen dahil sa sweet na surpresa ni Richard kay Sarah at ito ay ang iniregalo niyang bouquet ng bulaklak na naglalaman ng 150 na pulang mga rosas.

Sa ipinost na mga letrato ni Sarah ay bakas sa kanyang mukha ang kilig at saya sa natanggap mula sa kanyang asawa.

Credit:Β @sarahlahbati Instagram

Sinabi ni Sarah na sinurpresa siya ni Richard bago siya pumunta sa trabaho.

“before heading to work today, i was surprised by my love @richardgutz with 150 roses πŸ₯ΊπŸ₯°”

Nagpasalamat naman ang aktres sa walang sawang pagpaparamdam ni Richard sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Nagpapasalamat din si Sarah dahil laging ipinaparamdam ni Richard kung gaano siya ka-espesyal at sa pagtrato nito sa kanya na parang isang reyna.

“thank you for always making me feel loved, for making me feel special & for treating me like a queen.”

Credit:Β @sarahlahbati Instagram

Sa dulo ay sinabihan ng I love you si Richard sa linggwaheng French.

“je t’aime, my king!!! β™Ύ “

Dahil dito ay umapaw ang mga komento sa post ni Sarah kung saan ay kilig na kilig talaga ang mga nakakita sa post ng aktres:

“Couple Goals πŸ’š”

Credit:Β @sarahlahbati Instagram

“Sana all babe! 😍”

“This is why my standards are so highπŸ”₯😍”

“Different ways of showing love ka nga nila!! Pero SANA ALLLLLLLL TALAGA! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”

Sa mga post sa kani-kanilang mga social media accounts ay talaga namang kitang-kita kung gaano ka-in love ang mag-asawang Richard at Sarah sa isa’t isa.