Sarah Lahbati, pinaw0w ang netizens dahil sa ganda pa rin ng katawan kahit may dalawa nang anak

Kailan ba tayo binigo ng nag-iisang Sarah Lahbati? Kung bikini at beach lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na panalong-panalo na siya!

Credit: @sarahlahbati Instagram

Isa si Sarah Lahbati sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz. Simula nang sumabak sa pag-aartista, talagang pinapahanga niya ang karamihan sa kanyang talento sa pag-arte. Maliban dito, kapansin-pansin din ang angking kagandahan ng aktres kung saan ay talagang nag-shine siya sa mundo ng modeling at ngayon ay ambassador ng iba’t-ibang sikat na brands.

Kahit na may dalawang anak na sa asawang si Richard Gutierrez ngayon, marami pa rin sa atin ang nagtataka kung paano nga ba napapanatili ni Sarah ang magandang hubog ng kanyang katawan na para bang hindi siya nakaranas ng panganganak.

Super ganda namang tingnan kapag nakasuot ng pormal na damit, grabe rin ang atensyong nakukuha ng aktres kapag nakasuot na ng swimsuit!

Credit: @sarahlahbati Instagram

Ilang beses namang nakita ng karamihan na nakasuot ng swimsuit at nasa beach, hindi pa rin mapigilan ng kanyang fans na makaramdam ng paghanga sa kaseksihan at pagiging h0t ng kanilang iniidolong modelo.

Kilala ang couple sa kanilang sweetness, talagang walang pinapalagpas si Sarah at Richard kapag sumasapit na ang kanilang kaarawan kaya naman sa espesyal na araw ni Richard nito lamang Biyernes, labis ang paghahanda na ginawa ni Sarah kung saan ay nagpunta sila sa El Nido, Palawan para magkaroon ng simpleng celebration.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Habang nasa Palawan, sinulit talaga ni Sarah ang bawat pagkakataon. Of course, kilala bilang isang ‘beach lover,’ sadyang hindi mawawala ang kanyang ‘beach photos’ na kung iisipin ay naging signature na ng aktres.

Suot ang kanyang kulay brown na swimsuit, effortless na nag-strike ng pose si Sarah na nag-resulta naman sa magaganda niyang mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

“i am woman,” sulat niya sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Kasinghot ang mainit na araw sa El Nido, Palawan, talagang inulan ng positibo at magagandang komento galing sa kapwa celebrities at fans ang post ng aktres.

“You loook amazinnnnn🔥,” puri ni Mikaela Martinez.

“Love it!!!🔥🔥🔥,” komento naman ni Ruffa Gutierrez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

“love this so much,” sabi naman ni Andrea Beldua.

“Grabe siya pakabog ang kas3xihan!🤩🥰🔥🔥”

Muli namang ibinahagi ni Richard ang parehong mga larawan ni Sarah sa kanyang Instagram account kung saan ay kinahumalingan ng kanilang fans ang kanyang naging caption.

“My woman ❤️‍🔥,” nakakakilig na caption ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Kahit saan mang anggulo kunan ng larawan at kahit na’y simpleng swimsuit lamang ang suot, talagang imposible na hindi mapansin ng karamihan ang nangingibabaw na kagandahan at kas3ksihan ni Sarah Lahbati!