Scarlett Kramer, kinikilig na ipinasilip ang kanyang kauna-unahang sariling kwarto na napakaganda at swak sa kanyang personality ang disenyo!

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling kwarto o ‘personal space’, na maari nilang disenyuhan batay sa kanilang kagustuhan at personalidad. Marahil ito rin ang pangarap ng maraming magulang, ang mabigyan ng sariling kwarto ang kanilang mga anak.

Credit: Team Kramer YouTube

Gaya na lamang ng mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer na masayang ibinahagi sa kanilang followers na pagkatapos ng 10 taon, may sari-sariling kwarto na ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Siyempre, tulad ng anumang espesyal na kaganapan sa kanilang buhay, ipinasilip din ng Team Kramer ang mga kwarto ng kanilang mga anak na ‘di lamang napaka-‘aesthetic’ tingnan kundi nagpapakita rin ng kanilang bawat personalidad.

“I just wanna say that you’ll see the different personalities of the girls. While they have furniture that look alike, but you’ll see how different they are and just the character that they individually have,” saad ni Cheska.

Sa kanilang latest vlog, sinamahan ng celebrity couple si Scarlett para ipakita sa kanilang milyun-milyong followers ang kanyang napaka-cute at cozy room.

Credit: Team Kramer YouTube

Kwento ni Scarlett, “boyish” daw dati ang design ng kwarto niya dahil dati daw itong kwarto ni Gavin.
Kaya naman para i-‘soften’ ito, pinalitan nila ang mga pinto ng cabinet, ang kulay ng kwarto, at ang dating nakalagay dito na blinds ng floor-to-ceiling na kurtina.

Pagpasok nga sa kwarto ni Scarlett, agad na sasalubong sa iyo ang “feminine” ambiance nito.

“So what we did was we changed the cabinet doors, and then we changed the color of her bedroom. Before, it was just blinds, now the blinds are still there, but we have curtains now to soften the room,” bahagi ni Cheska.

Kabilang naman sa furniture na makikita sa kwarto ni Scarlett ay isang upuan, kama, at lamesa na gawa lahat sa rattan at kahoy.

Credit: Team Kramer YouTube

Paliwanag ni Cheska, mas pinili nilang “organic furniture” ang ilagay sa kwarto ni Scarlett “to make it more cozy.”

Habang ang dating modular table ni Gavin ay ginawang marble desk, na ginagamit umano ngayon ni Scarlett para sa kanyang classes. Sa itaas lamang nito, nakalagay naman ang isang magandang salamin na ani Cheska, regalo sa kanila ng Pinoy furniture designer na si Vito Selma.

Ibinunyag din ni Scarlett ang isa sa kanyang “complaints” sa kanyang bagong kwarto at ito ay ang kanyang napakataas na shower. Depensa naman ng kanyang Daddy Doug, sinigurado niyang “7 footer friendly” ito.

At nang tanungin kung ano ang kanyang paboritong bagay sa kanyang bagong kwarto, sinabi ni Scarlett na ito ang kanyang magandang chandelier.

Credit: Team Kramer YouTube

Samantala, bukod sa room tour, masaya rin ipinakita ni Scarlett sa vlog ang kanyang walk-in closet, at ilan sa kanyang mga paboritong sapatos at bag na ‘hand-me-down’ items o ipinasa sa kanya ni Kendra.