Tunay ngang sa likod ng tagumpay ng isang lalaki, ay isang babae. Pinatunayan ito ng boxing champion at senador na si Manny Pacquiao dahil sa likod ng kanyang tagumpay ay mayroong isang babae na hindi siya iniwan sa hirap man o kasiyahan at ito ay ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.
Credit: @mannypacquiao Instagram
Kaya naman sa pagdiriwang nila ng kanilang 22nd wedding anniversary, hindi maiwasan ni Manny na ihayag kung gaano niya kamahal si Jinkee.
Sa isang Instagram post, isang sweet message ang isinulat ni Manny kung saan ay nagpasalamat siya sa Panginoon dahil sa panahon na ibinigay Nito sa kanya para patuloy na mahalin si Jinkee.
Ani Manny, “Happy 22nd Anniversary babe! On this special day, I thank God for every moment spent loving you”
Credit: @mannypacquiao Instagram
Pinasalamatan din ni Manny si Jinkee dahil mula umpisa ay hindi siya nito iniwan.
“I don’t know where I’d be in life without you. With the guidance and grace of our Lord, we have proved that nothing is impossible. My career has reached heights because you are by my side. Words cannot express how much I adore you. I will love you always and forever. Happy 22nd anniversary Babe!” mensahe ni Manny para kay Jinkee.
Credit: @mannypacquiao Instagram
Sa kanyang bahagi, binati naman ni Jinkee si Manny at isang sweet message ang kanyang isinulat para rito.
Ani Jinkee, “Happy 22nd Wedding Anniversary to us! ✨💕💕 Spending time together is, and always will be, my favorite thing. ♥️🥰#Godisgoodandgreat #happyweddinganniversary 🤍”
Samantala, bago ang kanyang wedding anniversary message, unang ibinahagi ni Manny ang isang touching message noong Mother’s Day kung saan ay kinilala niya ang malaking papel na ginampanan ni Jinkee sa kanyang buhay para siya ay magtagumpay.
View this post on Instagram
Malaki rin ang pasasalamat ni Manny kay Jinkee dahil sa maayos na pagpapalaki nito sa kanilang mga anak.
Ani Manny, “Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy na matatag at masayahin ang ating pamilya. I never could have built a wonderful family without you. Lumalaking mabubuti, mapagmahal at may takot sa Diyos ang ating mga anak dahil sa walang kapagurang pagtutok at pag gabay mo sa bawat isa sa kanila. Thank you for being the most amazing mom to our children. Happy Mother’s Day babe!”
Credit: @mannypacquiao Instagram
May limang anak sina Jinkee at Manny na sina Jimuel, Michael, Mary, Queenie, at Israel.