Shamcey Supsup, pinahanga ang lahat matapos niyang ibahagi ang kanyang ‘expert opinion’ sa pagdidisenyo at paggawa ng bahay nang sumabak siya sa isang open house tour!

Pinahanga ng beauty queen at licensed architect na si Shamcey Supsup-Lee ang maraming netizens matapos niyang ibahagi ang kanyang opinyon at malawak na kaalaman tungkol sa pagdidisenyo at pagpapatayo ng bahay.

Credit: @supsupshamcey Instagram

Kamakailan lamang, ginawa ni Shamcey ang kanyang kauna-unahang collaboration bilang isang architect at pinili niya ang real estate agency na MetroGuide Realty para maging partner.

Sa isang halos 2 oras na video na inupload ng MetroGuide Realty sa kanilang YouTube channel, ibinigay ni Shamcey ang kanyang expert opinion tungkol sa konstruksyon at disenyo ng isang newly-renovated property sa Ayala Alabang.

Credit: MetroGuide Realty YouTube

Habang nililibot nga ni Shamcey ang napakagandang bahay ay isa-isa niyang ibinahagi ang kanyang opinyon bilang isang architect.

Ibinahagi ni Shamcey ang mga bagay na gusto niya tungkol sa bahay. Ayon sa kanya, gusto niya kung paano na-maximize ang espasyo at kung paanong ang bawat lugar ng bahay ay may access sa ‘natural lighting’.

Credit: MetroGuide Realty YouTube

Aniya, “So I like the open space concept.. And I like that every area of the house has access to natural lighting and ventilation so even if you don’t open all your lights it’s still bright.”

Ibinunyag din ni Shamcey na bilang isang architect mas gusto niya ang ‘new house construction’ project kaysa sa ‘renovation’ at nang tanungin kung bakit sinabi niya: “It’s super hard to do a renovation because you have to take note of the existing structure. You have to check the structural integrity…[it’s] kinda limited in a way because you have to make do with what’s there.”

Credit: MetroGuide Realty YouTube

Samantala, nang tanungin kung ano ang una niyang impression sa bahay ay sinabi ni Shamcey na kung hindi niya alam na renovated ito ay iisipin niya na isa itong bagong tayong bahay.

Ikwenento rin ni Shamcey na ang bahay ay medyo hawig sa unang bahay na dinisenyo niya na bahay nila ng kanyang mister na si Lloyd Lee.

Credit: MetroGuide Realty YouTube

Ani Shamcey, “Actually, if I didn’t know it was a renovation project, I would have thought this is a brand new house. And for the exterior, nakakatawa kasi my first-ever project — our house — kinda looks like this.”

Dagdag ni Shamcey, “So sabi ng husband ko baka meant to be ‘to for my first collaboration kasi it looks exactly like my first design when I was still starting as an architect.”

Credit: @supsupshamcey Instagram

Sa huli, pinasalamatan ni Shamcey ang MetroGuide Realty at ang nag-disenyo at gumawa ng Scandinavian-inspired house na Excalibur Builders para sa pakikipag-collaboration ng mga ito sa kanya.

Ani Shamcey, “I super enjoyed my time here. Thank you for having me…I love open houses like I like going to properties and looking at new things because as I designer I get also to learn.”