Sharlene San Pedro, na-achieve na ang pinapangarap niyang college diploma!

Kung noon ay pangarap lamang na magkaroon ng diploma sa college, ngayon ay matagumpay itong naisakatuparan ni Sharlene San Pedro at pinatunayan na wala talagang imposible para sa isang determinadong dreamer.

Credit: @sharlenesanpedro1 Instagram

Mahirap talaga ipagsabay ang trabaho at pag-aaral. Dahil pareho itong precious at importante para sa atin, talagang hindi madali mamili sa dalawa ngunit dahil sa busy na schedule sa araw-araw, napipilitan ang karamihan na tumigil na lamang sa pag-aaral pero para sa aktres na si Sharlene San Pedro na gustong-gusto na makapagtapos sa kolehiyo, pinagsikapan talaga niyang mabalanse ang kanyang oras at priorities.

Nagsimulang makilala si Sharlene sa Goin’ Bulilit dahil sa kanyang kakulitan at nag-uumapaw na cuteness. Sa pagpasok niya sa showbiz, pinabilib naman niya ang karamihan sa kanyang talento sa pag-arte kaya kilala siya bilang isa sa mga sikat at successful na aktres sa kanyang generation ngunit sa kabila ng kanyang sunod-sunod na projects, opportunities at busy na schedule, nagagawa pa rin niyang ipagsabay ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, responsible at excellent pa rin siyang student sa kursong AB Psychology.

Credit: @sharlenesanpedro1 Instagram

Matatandaan na matagumpay niyang nadepensahan ang kanyang thesis kaya naman guaranteed na makaka-graduate na siya. Nito lamang, ibinahagi ng 23 taong gulang na aktres sa social media ang kanyang mga larawan sa ginawang photoshoot kung saan ay makikita siyang nakasuot ng toga.

“sa wakaaaaaaas,” sulat ni Sharlene sa kanyang caption kalakip ng kanyang buong pangalan at kursong natapos sa AMA University.

Kaagad naman na nagpahayag ng pagbati ang kanyang fans na simula pa man noong day 1 ay nakasuporta na sa aktres.

“Hats off Sharlene! Congratulations. God bless you today and everyday. All glory to God!”

Credit: @sharlenesanpedro1 Instagram

“Such an inspiration, seeing this post gave me hope with me as a undergrad fulltime worker cause been providing both my family and self, and wants to have the same program to learn and finish! Thank you for this post and so proud of you po! Thank you, thank you!”

“Congratulations Sharlene!!! Very good ka talaga. You are humble and a good example to everyone especially to the young people. Makulay talaga Ang Buhay Lalo na pag may sinabawang gulay! GOD bless”

Credit: @sharlenesanpedro1 Instagram

“Congratulations Sharlene. You are a good example to everyone.. Another inspirational student..Stay humble.. Godbless”

Dahil sa determinasyon at kagustuhan ni Sharlene na ma-achieve ang pangarap niyang college diploma, talagang pinagsikapan niyang ma-juggle ng maayos ang trabaho at studies.