Sharon Cuneta at panganay na anak na si KC Concepcion, emosyonal na nagkausap sa pamamagitan ng isang video call

Bumuhos ang luha ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang makita at makausap sa isang video call ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Binati ni KC ang kanyang Mommy Sharon at ang mister nito na si Senador Kiko Pangilinan sa araw ng pagdiriwang nila ng kanilang silver wedding anniversary.

Habang kumakain nga sila ay tinawagan ni Sharon si KC at nang makita na niya ang mukha nito sa screen ay bigla na lamang bumuhos ang kanyang mga luha.

Halata sa mga mata ni Sharon na namimiss na niya si KC kaya hindi niya mapigilang umiyak habang kausap ito. Ilang beses din nitong ipinahayag ang kanyang pagmamahal sa anak.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Sa pangalawang pagkakataon, bumuhos muli ang mga luha ni Sharon habang sinasabi niya kay KC na noong nakaraang kaarawan nito ay gusto niya itong padalhan ng mga bulaklak at balloon. Mabilis namang pinatahan ni KC ang kanyang ina at sinabi niya rito na ayos lang kahit hindi niya ito nagawa.

Hindi rin pinalagpas ni KC na hindi niya maipahayag sa ina kung gaano niya ito namimiss at kamahal. Upang iparamdam ang kanyang pagka-miss sa kanyang Mommy Sharon, makailang ulit na sinabi ni KC ang mga katagang “I miss you” at “I love you” sa buong pag-uusap nila.

Kaya naman pulang-pula ang mga mata at buong mukha ni Sharon dahil maging siya ay namimiss na rin ang kanyang panganay kaya halos hindi maubos ang kanyang luha sa pag-iyak.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ibinahagi ni Sharon sa lahat ang video ng emosyonal na pag-uusap nila ni KC sa Instagram.

“FaceTime with KC❤️🙏 I asked KC if I could post this & obviously she said yes. Love you, Tina. @itskcconcepcion I asked my Yaya what was on my neck! Answer: Kinamot nyo Mam. (Oo nga naman.) Kakie was the one taking the video and who raised her champagne glass and said “Cheers” to Big Ate & blew her a kiss.😊❤” sulat ni Sharon sa caption.

Samantala, isang Instagram post din ang isinulat ni KC kalakip ng isang screenshot picture ng video call nila ni Sharon.

Ayon kay KC, sobrang bihira lamang na magka-video call sila ng kanyang Mommy Sharon kaya naman nilalasap niya ang bawat segundo nito.

Credit: @kc_concepcion Instagram

Aniya, “A video call from mom is super rare and I cherish every second of it!!! 😍 You have no idea how excited I get to have the chance to just do a bit of girl talk with you @reallysharoncuneta So happy to be part of your intimate 25th wedding anniv celebration. Hope you like the food I sent cuz wasn’t sure if you were going to have a nice dinner tonight or not…Ang ganda ng Nanay ko!!! My heart is filled with gratitude for so many reasons. Love you Ma”