Sharon Cuneta, niregaluhan si Ice Seguerra ng isang napaka-cute na aso

Maliban sa mga materyal na bagay na kadalasan nating natatanggap bilang regalo, talagang walang makakatumbas sa kasiyahang nararamdaman natin kapag binibigyan tayo ng pet katulad na lamang ni Ice Seguerra na muling nanumbalik ang saya sa kanyang mga mata nang nakatanggap ng isang Maltipoo mula kay Sharon Cuneta!

Credit: @itsreallysharoncuneta Instagram

Talagang punong-puno ng pagmamahal ang tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta dahil bukod sa kanyang kabutihan sa pamilya at kapwa celebrities na natutunghayan naman ng karamihan lalo na ng kanyang fans kapag nasa harap ng kamera, labis din ang atensyon at aruga na ibinibigay niya sa kanyang pets kaya naman nang nalaman ang balitang namatay ang pinkamamahal na aso ni Ice Seguerra, hindi maiwasan ni Sharon na makaramdam ng lungkot.

Sa kagustuhan niyang maibsan ang kalungkutan at pighati ni Ice kahit papano, binigyan niya ito ng regalo na isang Maltipoo kalakip ng isang touching na letter.

Mababasa sa letter ang, “I pray this baby boy brings you lots of happiness and love and companionship for many years to come! Remember always that many people love you and want you to be happy always, especially me!”

Credit: @iceseguerra Instagram

Sa Instagram, ipinahayag ni Ice ang kanyang saloobin tungkol sa pagkamatay ng kanyang aso na si Porky at ikinuwento kung paano siya muling napasaya ni Belly, ang asong ibinigay ni Sharon sa kanya.

“When I lost Porky, I never really thought I’d be ready to love another dog again. Kasi parang nabuhos ko na sa kanya lahat and feeling ko nagtataksil ako,” kuwento ni Ice.

Dagdag pa niya, “But that’s the thing with love. Love is so beautiful that it never ends with de@th. And when you openup your heart to love and be loved again, then healing can start doing its magic.”

Ibinahagi rin ng Megastar sa kanyang sariling Instagram account ang parehong mga larawan na ipinost ni Ice: letter ni Sharon at selfie ng singer-songwriter kasama si Belly.

Credit: @chopandbelly Instagram

“I have loved @iceseguerra since he was little and it broke my heart to see his posts about his having lost his baby pug, Porky. You all know how much dogs mean to me so I cried my eyes out for Ice. Then I messaged him and asked him to choose a dog from the @prettybubbledog page, and he chose this handsome Maltipoo he has named Belly,” ayon kay Sharon.

Credit: @chopandbelly Instagram

Parehong mapagmahal sa mga aso, mas tumatag pa ang connection ni Sharon at Ice kaya naman nang binawian ng buhay si Porky, naging emosyonal din ang Megastar.