“She is friendzoning Alfie na”: Anak ni Georgina Wilson, na-friendzone ni Nico Bolzico para sa kanyang anak na si Thylane

Madalas kaaliwan ng mga netizen ang Argentinian husband ni Kapuso actress Soleen Heussaff na si Nico Bolzico dahil sa likas na pagiging komedyante nito.

Marahil si Nico ay isang mapagbirong tao ngunit pagdating sa kanyang anak na si Thylane ay isa siyang strict at protective na ama. Sa katunayan, noong nasa tiyan pa lamang ni Solenn si Thylane ay bantay-sarado na siya ni Nico.

Credit: Nico Bolzico Instagram     

Mula pa nang nalaman ni Nico na babae ang kanyang unang anak, naglabas na siya ng babala para sa mga lalaking nagbabalak na ligawan si Thylane.

Para kay Nico, “nobody is good enough” para kay Thylane. Ngunit sa kabila nito, itinuturing pa rin ni Nico ang kanyang sarili na isang “modern dad”. Kaya naman kahit bata pa lamang si Thylane, may naisip na agad si Nico na mga “challenge” para i-test ang mga “future” manliligaw ng kanyang anak.

Kahit kasi palagay ni Nico na walang sinuman ang sapat para kay Thylane, aminado siya na darating ang panahon na may gustong manligaw kay Thylane.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Isa nga sa mga hamon na dapat pagtagumpayan ng mga manliligaw ni Thylane ay ang pagsagot sa “100 questions” ni Nico.

“The suitor will sit down with me, in a dark room with one light in one table, where I will ask 100 questions and he must answer fast. Failing in one answer question will result in elimination. After, the suitor will have earned the right to take my girl on a date. The first 3 dates I will personally join in a separate table,” pahayag ni Nico sa Instagram.

Maging ang anak na lalaki ng kanilang mga malalapit na kaibigan tulad na lamang ng anak ng BFF ni Solenn na si Georgina Wilson na si Alfie ay tila hindi pasado kay Nico.

Kamakailan lamang sabay na nagbakasyon sa isla ng Boracay ang pamilya ni Nico at pamilya ni Georgina.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa isa ngang Instagram story, ipinost ni Georgina ang litrato ni Alfie at Thylane na magkasamang naglalaro sa buhangin.

May ipinapahiwatig naman si Georgina sa kanyang caption sa litrato ng kanyang anak at ni Thylane. Itinag pa ni Georgina si Nico sa kanyang Instagram story na tila ba humihingi ng permiso rito.

Ani Georgina, “Future bffs or…..@nicobolzico”

May sagot naman si Nico sa gustong ipahiwatig ni Georgina.

Hindi pa man nanliligaw ang anak ni Georgina kay Thylane ay na-‘friendzone’ na agad ito.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa isang Instagram story, nag-reply si Nico sa sinabi ni Georgina.

Ani Nico, “She [Thylane] is friendzoning Alfie na”

Si Thylane ay nag-1 taong gulang lamang noong Enero 1, samantalang, si Alfie naman na pangalawang anak na lalaki ni Georgina sa kanyang British husband na si Arthur Burnand ay magsi-celebrate ng kanyang ika-2 taong kaarawan ngayong darating na June 24, 2021.