Sheena Halili at asawang si Jeron Manzanero, may kakaibang gimik nitong nakaraang Halloween

Tuwing sasapit ang Halloween ay lumalabas talaga ang pagiging malikhain ng mga Pinoy na makikita sa kanilang mga suot na Halloween costume.

Kabilang ang mga kilala at hinahangaan nating Pinoy celebrity sa mga game na game na nagsuot ng kanilang mga makukulay at malikhaing costume nitong Halloween.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Mayroong mga artista na nagbihis bilang Superhero, prinsipe at prinsesa at mayroon ding nagbihis bilang aswang, witch, bampira, zombie at iba’t ibang karakter mula sa mga kilalang TV show at pelikula.

Labis namang kinaaliwan ng mga netizen ang naisip na Halloween look ng mag-asawang Sheena Halili at Jeron Manzanero nitong Halloween.

Kakaiba kasi ang gimik ng mag-asawa para maging masaya ang kanilang pagdiriwang ng Halloween.
Imbes na ang kanilang suotin ay mga sikat na Halloween costumes ay nagbihis bilang mga tambay sa kalye sina Sheena at Jeron.

Highlight sa kanilang Halloween look ang walong buwan nang ipinagbubuntis ni Sheena.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Bukod sa malalaking nilang tiyan ay mayroon ding isang baso ng beer na hawak sina Sheena at Jeron para maging props nila.

Astig na astig na tingnan ang mag-asawa sa kanilang denim jeans at checkered polo. Para magmukha namang totoong tambay si Sheena ay nagsuot din ito ng bigote.

Caption ni Sheena sa kanyang Instagram post, “Tambay 2020! Cheers! #Halloween2020”

Credit: @mysheenahalili Instagram

Aliw na aliw naman ang maraming netizens sa gimik nina Sheena at Jeron. Komento ng netizens:

“ng kalog talaga,πŸ’•πŸ’• nakaka-GV!”

“Bwahaha!!! Ang kulit!!! 🀣🀣🀣”

“ang witty ng costume πŸ˜‚ very napapanahon πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”

Credit: @mysheenahalili Instagram

“Omg ang cute!! WinnerπŸ˜πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚”

Samantala, proud na proud naman si Sheena sa kanyang asawang si Jeron dahil isa ito sa mga frontliner na nagsisilbi sa Pasig City.

Sa kanyang Instagram page ay madalas ikwenento ni Sheena kung gaano siya ka-proud sa kanyang asawa.

Sa mga hindi nakakaalam, si Jeron ay isang abogado at ngayon nga ay nagtatrabaho sa ilalim ng administration ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Mayor Vico Sotto.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Sina Sheena at Jeron ay ikinasal nitong February 23, 2020.

June naman ngayong taon nang inanunsyo ni Sheena ang kanyang pagbubuntis sa first baby nila ni Jeron.

Sa isinagawang gender reveal ni Sheena sa kanyang YouTube channel, masaya niyang inanunsyo na isang baby girl ang first baby nila ni Jeron.