Isa nang ganap na ina ang Kapuso actress at vlogger na si Sheena Halili matapos niyang isilang ang panganay na anak nila ng kanyang mister na si Attorney Jeron Manzanero.

Sabado, December 12, isinilang ni Sheena ang isang cute at healthy baby girl sa St. Luke’s Medical Center. Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang unang anak na Martina Candice.
Sa kanyang Instagram, inihayag ni Sheena na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na niya ang sanggol na inilagaan niya sa kanyang sinapupunan.
Isang larawan ang ipinost ni Sheena sa kanyang Instagram kung saan makikita siyang kalong sa kanyang mga braso at pinapad3de ang kanyang anak.

Sulat ni Sheena sa caption, “Hello, anak! Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita ♥️”
Nagpasalamat naman ang aktres dahil pareho silang malusog ng kanyang anak. Aniya, “Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa ♥️”
Sa isa pa niyang Instagram post, ibinahagi naman ni Sheena ang unang family picture nilang magpamilya.

Sa kanyang caption, pinasalamatan ni Sheena ang mga doctor at nurse na tumulong sa kanya para ligtas niyang maisilang ang baby girl nila ni Jeron.
Ani Sheena, “December 12, 2020 First Family Picture I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag push ako kagabi.”
View this post on Instagram
Maging si Jeron ay abot langit din ang kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay ni Sheena. Sa kanyang Instagram, ipinost ni Jeron ang sweet photo nila ni Baby Martina Candice na kinunan ni Sheena.
“I promise to hold your hand forever, Martina,” caption ni Jeron sa kanilang larawan.

Bumuhos naman ang pagbati para sa mga first-time parent mula sa kanilang mga kaibigan. Kabilang sa mga bumati sa kanila sina Mayor Vico Sotto, Katrina Halili, Julius Babao at Valeen Montenegro.
Nitong June inanunsyo ni Sheena ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ni Jeron.
Noong February 23 naman ikinasal sina Sheena at Jeron.