Isa sa mga pagbabago na nararanasan ng isang babae kapag siya ay isang ganap ng ina ay ang pagbabago ng kanyang katawan. Ang katawan ng isang babae ay sumasailalim sa maraming mga pagbabago sa panahon ng kanyang pagbubuntis at pagkatapos niyang manganak.
Credit: @mysheenahalili Instagram
Normal lamang na magbago ang katawan ng isang babae kapag siya ay nagbubuntis o dumaan sa pagbubuntis. Kaya lang naging problema na para sa maraming kababaihan ang pagbabawas ng timbang o ang maibalik ang kanilang dating hubog ng katawan pagkatapos manganak.
Ngunit may ibang babae naman na tila hindi dumaan sa pagbubuntis ang katawan at ilang buwan lamang matapos nilang manganak ay balik kaagad sa dating hubog ang kanilang katawan.
Tulad na lamang ng first-time mommy na si Sheena Halili na ibinida kamakailan ang kanyang post-pregnancy body. Aakalain mong hindi dumaan sa pagbubuntis ang katawan ni Sheena dahil sa kanyang maliit na bewang at makurbang hubog.
Credit: @mysheenahalili Instagram
Makikita sa ibinahaging letrato ni Sheena kung saan nakasuot siya ng kanyang pang-workout na damit ang kanyang seksing post-pregnancy body. Hawak naman ni Sheena sa letrato ang napakacute na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero na si Baby Martina.
Sa caption ay sinabi ni Sheena, “Never knew how strong mothers are until I became one! #happymothersday araw-araw!”
Maraming netizens din ang nakapansin sa flat na tiyan ni Sheena sa suot niyang damit habang pinapasyal niya sa labas ang kanilang anak. Kung titingnan ang katawan ni Sheena ay talagang kahanga-hanga ang mabilis na pagbalik ng dating hubog ng kanyang katawan.
Credit: @mysheenahalili Instagram
Sinabi naman ni Sheena sa caption na kaligayahan niyang maka-bonding si Baby Martina araw-araw.
Aniya, “Simpleng kaligayahan ♥️ #happymothersday araw-araw!”
Maging ang mga kasamahan niyang celebrity ay humanga rin sa seksing pangangatawan ni Sheena.
View this post on Instagram
Komento ni Chariz Solomon, “Mas s3xy ka pa lalo ngayon mareng!!!”
Saad naman ni Maricris Garcia-Cruz, “Ang s3xy moooo”
Puri naman ni Kiray Celis, “Napaka-s3xy mo!!!”
Credit: @mysheenahalili Instagram
Matatandaang noon lamang nakaraang December 2020 isinilang ni Sheena ang panganay nila ni Jeron. At ngayon nga ay ini-enjoy ni Sheena ang motherhood katuwang ang kanyang mister.