Sikat na host sa Amerika na si Ellen DeGeneres, niregaluhan ng bagong sasakyan ang isang Pinay nurse

Bakas ang tuwa sa mukha ng Pinay health worker na si Flor Roz matapos siyang surpresahin ng award-winning TV host-comedian na si Ellen DeGeneres ng isang brand-new car.

Credit: TheEllenShow YouTube      

Ngayong buwan ng Disyembre, itinatampok ng programa ni Ellen na “The Ellen DeGeneres Show” ang ilang magigiting na frontliner para kilalanin ang kanilang pagsasakripisyo at serbisyo ngayong panahon ng p@ndemya.

Credit: TheEllenShow YouTube

Kasama nga rito si Flor, isang practical nurse sa Amerika na kasalukuyang nag-aalaga ng mga c0vid patient.

Ikwenento ni Flor sa panayam sa kanya ng programa na malaki ang pagbabago na hatid ng p@ndemya sa kanyang trabaho bilang isang health worker.

Paglalahad ni Flor, “The p@ndemic has changed everything. People was s!ck, since they cannot be visited by their family, I will be the one who’s gonna be by their side and let them know that there is this person who loves them.”

Credit: TheEllenShow YouTube

Mahirap din para kay Flor na mawalay ng matagal na panahon sa kanyang pamilya. Ayon kay Flor, dahil nag-aalaga siya ng mga pasyente na may c0vid kaya ilang buwan na siyang hindi nakakauwi sa kanyang asawa at anak.

Aminado naman si Flor na wala siyang ibang magagawa kundi ay magpakatatag na lamang para sa kanyang pamilya.

Ibinunyag din ni Flor sa show na noong Marso ay nagkaroon siya ng c0vid kaya kinailangan niya munang tumigil sa kanyang trabaho.

Credit: TheEllenShow YouTube

Ang pagkakatigil din umano niya sa pagtatrabaho ay labis na nakaapekto sa kanyang pamilya lalo na sa aspetong pinansyal.

Kaya naman biyaya na maituturing ni Flor ang pagkakapili sa kanya ni Ellen bilang recipient ng kanilang “12 Days of Giveaways” segment.

Credit: TheEllenShow YouTube

Para pasalamatan ang magiting na Pinay nurse, isang brand new car ang handog ni Ellen at ng car company na Hyundai para sa kanya.

Naikwento ni Flor sa programa na naghahati sila ng kanyang asawa sa isang kotse. Minsan din umano kung wala siyang dalang kotse ay nakikisakay lamang siya sa kanyang katrabaho o hindi naman kaya ay nag-u-Uber siya.

Credit: TheEllenShow YouTube

“No more Ubers for you”, ito naman ang sabi ni Ellen kay Flor nang ibigay na nito sa kanya ang bagong kotse.

Halata sa reaksyon ng Pinay nurse na labis siyang nasiyahan sa kanyang bagong sasakyan.

Credit: TheEllenShow YouTube

Sa pagtatapos ng video, nagbigay si Ellen ng isang nakakaantig na mensahe kay Flor.

Ani Ellen, “It’s just amazing what you’ve been doing… So I’ve partnered with Hyundai and they want to thank you for your service. They want to give you this Hyundai Palisade. This is your car.”

Credit: TheEllenShow YouTube

Dagdag niya, “Just know how much we love you and appreciate you and when you’re exhausted, in those times that you can barely go on anymore, just remember how many people love you and how many people are so grateful for you.”