Ang unang kaarawan ng isang bata ay isang napakahalagang milestone sa kanyang buhay pati na rin sa kanyang mga magulang. Kaya naman pinaghandaan talaga ng first time parents na sina Sofia Andres at Daniel Miranda ang unang kaarawan ng kanilang napaka-cute at napakagandang anak na si Zoe Natalia.

Hindi naging hadlang ang p@ndemya para mabigyan nina Sofia at Daniel si Zoe ng isang engrande at malaking birthday party.

Base mula sa sikat na Amerikan kids YouTube channel na “Cocomelon” ang tema ng first birthday party ni Baby Zoe. Ang Cocomelon ay patok na patok sa mga bata dahil sa kanilang catchy nursery rhymes at colorful animations.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Sofia sa kanyang Instagram story ay makikita na kumpleto ang buong squad ng Cocomelon. Makikita sa stage setup ng venue ang mga standee picture ng mga sikat na karakter mula sa Cocomelon. Napuno rin ng makukulay na balloon at bulaklak ang buong lugar.

Ginanap ang birthday party sa Palacio de Memoria, ang parehong lugar kung saan ginanap din ang bonggang pre-birthday photoshoot ni Baby Zoe.

Present sa birthday party ang mga pamilya nina Sofia at Daniel maging ang malalapit nilang kaibigang dalawa.
Samantala, isang video ay mapapanood si Sofia na emosyonal habang pinapasalamatan ang kanyang pamilya at mga kaibigan na dumalo sa birthday party ng kanyang anak.

Saad ni Sofia sa video, “I’m so happy that my family and friends are here…Ngayon lamang naman ako nagka-anak and I’m happy that I got to spend [this first birthday party] with you all, it means kayo ‘yung mga taong importante sa’kin. So, thank you!”

June ngayong taon nang inanunsyo ni Sofia na isa na siyang ganap na ina. Sa pamamagitan ng isang video ay ibinahagi ni Sofia ang kanyang pregnancy journey kung saan ay pinasalamatan niya ang ilang tao na hindi siya iniwan at sinamahan siya sa panahon ng kanyang pagbubuntis.
Sina Sofia at Daniel ay apat na taon nang magkasintahan. Sa mga hindi nakakaalam, si Daniel ay isang Cebuano professional racer na nagmula sa mayamang angkan ng Lhuillier sa bansa.