Nabighani ang aktres na si Andi Eigenmann sa napakagandang isla ng Siargao. Kaya naman noong siya ay aktres pa at aktibo sa showbiz ay pabalik-balik siya sa isla.
Credit: @andieigengirl Instagram
Sa Siargao rin niya nakilala ang kanyang fiancè na si Philmar Alipayo na isang local resident sa isla at isang champion pagdating sa surfing.
Noong pinili naman ni Andi na iwanan ang kanyang ‘artista life’ sa siyudad para mamuhay nang simple ngunit masaya sa isla ay nakuha niya ang paghanga ng lahat.
Mas pinili ni Andi na mamuhay nang simple sa isla at doon na rin nila binuo ni Philmar ang kanilang pamilya.
Sa ngayon ay mayroon nang dalawang anak sina Andi at Philmar na sina Lilo at Baby Koa. Habang ang panganay naman ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito na si Ellie ay mas pinili rin na makasama ang kanyang mommy at mga kapatid sa isla.
Credit: @andieigengirl Instagram
Dahil nga sa lumalaki nilang pamilya ay nagpagawa ng bahay sina Andi at Philmar sa Siargao na magsisilbing tahanan nila roon.
Una namang ipinasilip ni Andi sa lahat ang kanilang ipinapagawang bahay sa Siargao noong August 2019.
Higit isang taon naman ang makalipas ay nakita ng lahat ang mas detalyadong desenyo ng bahay ng pamilya ni Andi.
Ibinahagi ng Duardex 3D Rendering Services sa isang Facebook post ang litrato ng bahay nina Andi kapag natapos na itong gawin.
View this post on Instagram
Isa sa mga detalye na agaw-pansin sa disenyo ng bahay nina Andi ay ang bubong nito na gawa sa cogon grass.
Mistulang pinaghalong tropical at modern “bahay kubo” ang ipinapagawang bahay nina Andi. Dalawang palapag ito at halatang mayroon itong maraming kwarto. Salamin naman ang mga bintana nito at mayroong malawak na terrace sa gitna.
Ayon kay Andi, “dream house” talaga nila ang nasabing bahay at masaya sila dahil unti-unti na itong nabubuo.
Credit: DuArde’x Sykes LoOner Facebook
Ani Andi, “Living my island dreams have been nothing short of amazing sharing it with you @chepoxz! Salamat karajaw. Our dream house slowly coming together. We are happy and looking forward to sharing it with you all of you soon!”
Pinuri naman ng maraming netizens ang ipinapagawang bahay nina Andi dahil sa ganda ng disenyo nito. Komento nila:
“ganda super like it”
“grabi ka naysss”
Credit: @andieigengirl Instagram
“ANG GANDAAA”
“WOW VERY NICE ANG GANDA”
Kamakailan lamang, matapos ang 8 buwan na pananatili nila sa Maynila, ay balik-Siargao muli sina Andi, Philmar, Ellie, Lilo at ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Baby Koa.