Silipin ang hanep sa laki at gandang rustic-themed home condo ng Team Kramer

Isa ka ba sa mga napa-w0w sa ganda at laki ng mansyon ng Team Kramer na ipinasilip nila noong 2019? Kung oo, tiyak ay mapapa-w0w ka rin sa bagong condo ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer dahil tulad ng kanilang bahay sa Antipolo, Rizal hanep din ito sa laki at ganda!

Credit: @dougkramer Instagram

Kamakailan lamang, ipinasilip ni Doug sa kanyang Instagram account ang kasalukuyan nire-renovate nilang home condo na mag-asawa.

At base sa ibinahaging mga litrato ng retired PBA player mukhang extension ng kanilang bahay ang condo.

Credit: @dougkramer Instagram

Malawak at maaliwalas ang condo ng Team Kramer at malaki ang pagkakahawig ng interior design nito sa kanilang bahay. Rustic-themed ang interior design ng condo. Kapansin-pansin din ang taglay nitong wood at black elements na nagbibigay naman ng cozy vibe sa buong lugar.

Ilan sa mga bahagi ng condo na ipinasilip ni Doug ay ang sala, kitchen area na mayroong island counter, dining area at tinatayang nasa mahigit apat na kwarto.

Credit: @dougkramer Instagram

Ibinahagi ni Doug na noong nakaraang taon lamang na-turn over sa kanila ang condo na una umano nilang nabili noong 2014. Bunga umano ito ng pag-iinvest nilang mag-asawa.

“Transformation Thusday! Our home condo! And yes, it looks very similar to our home. 1 yr ago, it was turned over to us, since then we’ve completely transformed it. When investment, hard work and sacrifice pays off,” sabi ni Doug sa kanyang post.

Credit: @dougkramer Instagram

Ikwenento rin ni Doug ang sekreto nilang mag-asawa sa matagumpay nilang pag-iinvest.

Bahagi ni Doug, “A lot always ask us for financial advice. And for the most part, our common answer is sacrifice. For @chekakramer and I, when we were newly married, we knew our journey financially as a couple just started, so we planned to always put needs first over wants.”

Credit: @dougkramer Instagram

Ayon pa kay Doug, mas napupunta ang pera nilang mag-asawa sa investment kaysa sa expenses. Isa nga sa katas ng kanilang investment ay ang condo.

“For us, we took advantage of cash flows coming in. We would invest more than spend. And one of these investments is this place. This is but a seed we planted and slowly paid off since 7 yrs ago,” aniya.

Dagdag niya, “We would always divert our funds to our forced investments instead of everything left in liquidity. It was a way for assets to appreciate in value while you wait for the right time to let it go.”

Credit: @dougkramer Instagram

Batay sa post ni Doug, ang interior ng condo unit ay dinisenyo nina Vianca Anonuevo-Favila at Nikko Sotoridona ng Gussy Design.

Excited naman sina Doug at Chesca na ipakita sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin ang condo. Sinabi rin ni Doug na ipapasilip nila soon ang condo sa kanilang YouTube channel.