Silipin ang intimate wedding ni Geoff Eigenmann sa kanyang longtime partner na si Maya Flores!

Ganap nang mag-asawa ang aktor na si Geoff Eigenmann at ang kanyang longtime partner na si Maya Flores.

Credit: @g_eigenmann_ Instagram

Nangyari ang intimate Christian wedding ng dalawa noong February 22, na itinuturing na espesyal at magandang petsa para magpakasal, ayon sa ilang eksperto.

Ipinasilip naman nina Geoff at Maya ang ilang kaganapan sa kanilang kasal sa kani-kanilang Instagram account.

Ilang larawan at videos ng kanilang kasal ang ipinost ng couple at maging ng kanilang mga kaibigan at bisita.

Credit: @g_eigenmann_ Instagram

Kabilang sa mga nagbahagi ng litrato ng kasal ng couple ang anak ni veteran aktor Tirso Cruz III na si Pastor Bodie Cruz.

Si Pastor Bodie ang nag-officiate ng kasal ng couple at sa kanyang IG post, sinabi nitong malaking karangalan sa kanya na maging bahagi ng espesyal na selebrasyon sa pagitan nina Geoff at Maya.

“It was a privilege sharing this milestone with good family friends. Celebrating with you in your new season, Geoff and Geli! Declaring God’s abundant blessings for your marriage,” pahayag ni Bodie.

Sa kanyang IG post, masaya ring ibinahagi ni Geoff na sa wakas ay mag-asawa na sila ni Maya.

Credit: @g_eigenmann_ Instagram

Aniya, “Mr & Mrs Eigenmann 2•22•22 🤍 2,212 days (6years+22days) and 3 kids later😅 finally sealed the deal.”

Bumaha naman ng pagbati para sa newlywed couple mula sa kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Mensahe ni Paolo Paraiso, “Major made his move. 🦾🔥 congrats brother!”

Saad naman ni Iya Villania, “Congratulations you guys”

Credit: @g_eigenmann_ Instagram

Bumati rin ang mga aktor na sina John Prats, Dion Ignacio, at Miko Raval.

Sina Geoff at Maya ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Arabella Simone, Angus, at Pepper.
Maaalalang na-engage ang dalawa noong April 2019.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa pamilya ng mga artista si Geoff. Siya ay anak ng aktor na si Michael de Mesa at actress-director na si Gina Alajar. Pamangkin naman siya ng aktres na si Cherie Gil at namayapang aktor na si Mark Gil. Ilan lamang sa mga sikat ding pinsan ni Geoff ay sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, at Andi Eigenmann.

Kabilang naman sa mga pinagbidahang teleserye ni Geoff ay “Rosalinda”, “Basahang Ginto”, at “The K!ller Bride”.