Silipin ang intimate wedding nina Dionne Monsanto at Filipino-Swiss businessman Ryan Stalder na ginanap sa Switzerland!

Para sa maraming magkasintahan, ang pagpasok sa mundo ng pag-aasawa ay isang bagong kabanata sa kanilang relasyon. Marami naman sa mga hinahangaan nating artista ngayon sa showbiz ang nagpakasal.

Credit: @dionne Instagram

Wala ngang makakapigil sa pag-iisang dibdib ng ilang celebrity couples dahil kahit may p@ndemya ay itinuloy pa rin nila ang kanilang kasal.

Tulad na lamang ng tinaguriang ‘Sampal Queen’ sa telebisyon na si Dionne Monsanto na nito lamang March 8 ay ikinasal sa kanyang Filipino-Swiss fiancé na si Ryan Stadler.

Matapos ma-engage noong February 6 ay kaagad na plinano nina Dionne at Ryan ang kanilang kasal.
Ginanap ang kasal nina Dionne at Ryan sa Switzerland. Matatandaan na lumipad patungong Switzerland si Dionne para roon na manirahan kasama si Ryan. Nakabase kasi si Ryan sa Switzerland na kanya namang hometown.

Credit: @dionne Instagram

Ibinahagi ng kapatid ni Ryan na si Vanessa sa kanyang Instagram ang ilang litrato ng celebrity couple na kinunan sa araw ng kanilang kasal. Ini-repost naman ni Dionne ang mga larawan sa kanyang Instagram stories.

Makikita sa mga wedding photo nina Dionne at Ryan ang kanilang kasiyahan dahil sa wakas ay kasal na sila.

Intimate ang naging seremonya ng kasal ng dalawa at tanging mga pamilya lamang nila ang nakasaksi.

Credit: @dionne Instagram

Matapos naman ang kasal nila ni Ryan ay binago na rin ni Dionne ang kanyang pangalan sa Instagram at ginawa itong “Dionne M. Stalder”.

Matagal-tagal din na naging magkaibigan sina Dionne at Ryan bago sila nagsimulang mag-date noong 2018.

Naging tulay naman ang dating Pinoy Big Brother housemate at kaibigan ni Dionne na si Mickey Perz upang makilala ng aktres si Ryan na isang negosyante.

Credit: @dionne Instagram

Sa kanyang engagement announcement sinabi ni Dionne na kilala na nila ni Ryan ang isa’t isa noong 2007 pa na kasagsagan naman ng PBB season.

Ayon din kay Dionne, pundasyon ng relasyon nila ni Ryan ang kanilang matibay na pagkakaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dionne M. Stalder (@dionne)

Ani Dionne, “I said, “Yes! Why’d you take so long?” 💍 Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other.”

Dagdag niya, “Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow. There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever. Here’s to forever + 49 years, my love @nayr_redlats 🤍”

Credit: @dionne Instagram

Samantala, noon lamang ding huling bahagi ng February ay inanunsyo ni Dionne ang kanyang pagreretiro sa mundo ng showbiz para manirahan na sa Switzerland kasama si Ryan.