Silipin ang itsura ng inyong mga paboritong artista sa kanilang mga ID photos

Mapapa-w0w ka talaga sa transformation ng mga artista base sa lumang ID ng mga ito.

Curious ka ba kung anong itsura ng paborito mong artista noong sila’y bata pa? Silipin kung ano ang itsura noon ng mga artista na makikita sa mga  ID photos nito.

MARIAN RIVERA

Credit: Unang Hirit via GMA Network website

Sikat na sikat si Marian Rivera hindi lamang dahil sa kanyang galing sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang angking kagandahan. Kitang-kita ito kahit noong bata pa siya kung saan ay sa isa sa kan yang photo ID ay umaapaw ng cuteness si Marian lalo na sa kanyang look na hawig-na hawig sa kaniyang panganay na anak na si Maria Letizia sa kanya.

DINGDONG DANTES

Credit: Unang Hirit via GMA Network website

Andyan din ang maamong mukha ni Dingdong Dantes noong bata pa siya. Ayon sa aktor, ang larawan ay kinuhanan noong nasa ‘grade 1’ pa lamang siya. Mukhang may pinagmanahan din dito ang pangalawang anak nila ni Marian Rivera na si Sixto.

ALDEN RICHARDS

Credit: Aldenatics Official Facebook

Good boy look naman kung ilalarawan ang pambansang bae na si Alden Richards sa kaniyang itsura sa lumang ID photo nito.

JACLYN JOSE

Credit: @andieigengirl Instagram

Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mga lumang ID photos ng kaniyang ina na si Jaclyn Jose sa instagram account nito. Kahit sa ID photo ay fierce-looking pa rin ang aktres.

SOLENN HEUSSAFF

Credit: @solennheussaff

Ang napakagandang mommy at model na si Solenn Heussaff-Bolzico naman ay hindi maitago ang pagiging modelo kahit na para sa ID lamang ang letratong kinuhanan sa kanya.

HEART EVANGELISTA

Credit: @iamhearte Instagram

Kahit na ilang taon na ang lumipas nang kinunan ang letratong ito ni Heart Evangelista ay masasabing parang hindi tumanda ang itsura niya.

JANINE GUTIERREZ

Credit: @janinegutierrez

Sobrang cute naman ni Janine Gutierrez noong chubby days sa lumang passport ID photo nito.

KD ESTRADA

Credit: KD Estrada Instagram

Kilala bilang si KD Estrada ngayon ang teen aktor ito kung saan ay mas sumikat siya bilang isang celebrity housemate sa Pinoy Big Brother. Bukod pa dito ay umiingay ang pangalan ng aktor dahil sa angking sweetness nila ng kanyang girlfriend na si Alexa Ilacad.

Ang ID photo niya ay nakuhanan noong nasa Grade 4 pa lamang siya at nagaaral pa sa San Beda College Alabang.

BIANCA KING

Credit: @bianca_king Instagram

Halos parang hindi tumanda ang itsura ni Bianca King kahit na higit sampung taon na ang lumipas nang kunan ang letratong ito.

Ilan lamang ito sa mga nakakatuwang throwback photos ng mga paboritong artista kung saan makikikita ang kanilang mga itsura noong mga bata pa sila at noong hindi pa pumapasok sa showbiz.