Silipin ang maganda at malaking rest house ng pamilya nila Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa Batangas City

Sa kabila ng kanilang busy schedules bilang mga artista ay nagawa pa rin ng pamilyang Legaspi na maisingit ang isang quick getaway para sila ay makapag-bonding.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Nagtungo ang buong pamilyang Legaspi na binubuo ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi at kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa kanilang rest house sa Batangas City.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Sa pagsisimula ng episode ay ikwenento ni Carmina na kakauwi lamang ni Cassy mula sa mahabang lock-in taping nito para sa Kapuso teleserye na “First Yaya” kaya naman nais nilang samantalahin ang pagkakataon na maka-bonding ito.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Sa dalawang magkahiwalay na episode ng “Sarap Di Ba? Bahay Edition,” ipinakita nila sa kanilang manonood ang mga karaniwang ginagawa nilang magpamilya tuwing nagbabakasyon sila sa kanilang rest house.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Bukod dito ay ipinasilip din nila sa kanilang mga tagahanga ang ilang bahagi ng kanilang rest house. Una na rito ang kanilang napakalaking swimming pool kung saan naman sila madalas na mag-bonding. Sa nasabing episodes ay masayang naglaro ng sikat na game sa internet na “Jojowain o Totropahin” sina Carmina, Zoren, Mavy at Cassy. Napuno ng tuksuhan at habulan ang kanilang paglalaro lalo nang mabanggit ang kanilang mga “celebrity crush.”

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Samantala, hindi naman mawawala sa bonding moments ng Legaspi family ang pagwo-workout dahil kahit nagbabakasyon ay sinisigurado nilang mayroon silang physical activities.

Ibinahagi ng mag-inang Carmina at Cassy ang paborito nilang lugar kung saan madalas silang nag-eehersisyo. Mula sa kanilang kinatatayuan ay makikita ang napakagandang view ng dagat. Open-area ito kaya naman maaliwalas at sariwa ang hangin.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ang larong basketball naman ang nagsilbing bonding activity ng mag-amang Zoren at Mavy. Hindi na nila kailangang lumabas pa dahil sa mismong loob ng malawak nilang rest house ay matatagpuan ang isang basketball court.

Nagpakitang-gilas sa paglalaro ng basketball sina Zoren at Mavy kung saan ay nagkaroon pa sila ng friendly match na tinawag nilang “old school vs. new school.”

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ipinakita naman ni Carmina ang kitchen area kung saan siya madalas na nagluluto ng mga paboritong pagkain ng kanyang pamilya. Sa bahaging ito ng episode, nagluto si Carmina ng Ginataang Alimasag at Hipon na paborito umanong ulam ni Zoren.

Ibinahagi rin ni Mavy sa manonood kung paano inihahanda ang paborito niyang liempo. Ayon kay Mavy, paborito niyang ipaluto ang nasabing putahe tuwing nagbabakasyon sila sa kanilang rest house.
Sa huli ay masayang pinagsaluhan ng pamilyang Legaspi ang mga masasarap na pagkain na kanilang niluto sa kanilang dining area.