Silipin ang maganda at masayang pamilya ng aktor na si JC De Vera!

Maliban sa pagiging aktor ay hinahangaan din si JC De Vera ng mga netizens dahil sa pagiging mabuti niyang asawa at responsableng ama.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Mula pa man noon ay matagal ng kinakikiligan ang aktor na si John Carlo De Vera o mas kilala ng karamihan bilang si JC De Vera dahil sa kagwapuhan nito. Sa katunayan ay isa siya sa mga tinaguriang heartthrob sa mundo ng showbiz. Maliban dito ay madalas din na pinupuri ng mga netizens ang aktor dahil sa kahusayan nito sa pag-arte.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Simula nang pumasok si JC sa industriya ng showbiz ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang mga proyekto. Isa nga sa magtagumpay niyang proyekto ay ang teleseryeng “The General’s Daughter” kung saan ay nakasama niya si Angel Locsin at iba pang sikat na mga artista.

Hindi lamang sa pag-arte napapabilib ni JC ang kanyang mga fans dahil mas hinangaan siya ng mga ito nang malamang isa siyang mabuting asawa at responsableng ama sa tatlong gulang na anak.

Mayo noong taong 2018 nang isinilang ng asawa ni JC na si Rikka Alyssa Cruz ang baby girl nila na si Lana Athena. Nang nagkaroon ng sariling pamilya ay inamin ng aktor na mas naging makabuluhan ang buhay niya.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Sa interview ng “Magandang Buhay” ay ibinahagi ni JC ang kanyang karanasan bilang isang “family man”.

“Hanggang ngayon, maraming-marami pa rin akong natututunan. Everyday, meron akong mga sinusubukang mga bagay at kinakabahan pa rin ako at times kasi nga feeling ko, mali ba o tama ba iyong itinuturo ko,” sabi ni JC.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Dagdag pa ng aktor, “Alam mo iyong confidence bilang isang ama na… alam mo iyon, kung tama ba iyong wisdom na naipapasa ko du’n sa anak ko.”

Inamin din ng aktor na simula nang nagkaroon siya ng pamilya ay tapos na umano ang mga bagay na ginagawa niya noong binata pa lamang siya. Ngayon na may asawa at anak na ay nais ituon ni JC ang buong atensyon sa kanyang pamilya at sa karera bilang isang aktor.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Kadalasan din na nakikita sa Instagram account ni JC ang mga larawan niya kasama ang asawa na si Rikka at ang anak na si baby Lana Athena. Kinagiliwan din ng mga netizens ang bonding moments nila ng kanyang pamilya at mga larawan ng aktor kasama ang kanyang anak.

“The snuggle is real,” sulat ni Jc sa kanyang caption kalakip ng isang larawan kung saan ay makikitang nasa ilalim ng kumot si JC at baby Lana Athena.

Credit: @akosijcdeberat Instagram

Sa ngayon, kahit abala man sa trabaho bilang isang aktor ay sinisigurado naman ni JC na may oras pa rin siya sa kanyang pamilya.