Summer is just around the corner kaya naman kanya-kanyang empake na ang ilan sa mga sinusundan nating celebrity para magbakasyon sa beach kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Tulad na lamang ng aktres na si Anne Curtis na matapos ang mahigit isang taon ay nakatapak muli sa napakagandang isla ng Boracay.
Ilang linggo lamang mula nang makauwi sa bansa galing sa Australia, kaagad na nag-empake si Anne para magpunta sa Boracay para sa isang maikling bakasyon kasama ang mister niyang si Erwan Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia Amélie.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Kasama rin nilang nagbakasyon sa Boracay ang mga magulang ni Erwan at ang kapatid niyang si Solenn Heussaff at ang anak nitong si Thylane Katana.
Sunod-sunod naman ang ibinabahaging video at larawan nina Anne at Solenn sa kani-kanilang Instagram account.
Sakay ang isang private plane ay ligtas na nakarating sina Anne sa Boracay at kaagad na nagtungo sa Crimson Resort & Spa Boracay, isang 5-star hotel kung saan ay mainit naman silang winelcome na magpamilya.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Sumalubong kina Anne at Dahlia ang isang cake kung saan may nakasulat na “Happy Birthday Ms. Anne at Dahlia!” Matatandaan na nagdiwang si Anne ng kanyang 36th birthday noong February 17 habang si Dahlia naman ay nagdiwang ng kanyang 1st birthday noong March 2.
View this post on Instagram
Samantala, sa mga larawan na inupload nina Anne at Solenn ay kitang-kita na enjoy na enjoy sa kanilang unang beach trip na magkasama ang magpinsang Dahlia at Thylane.
Masayang naglakad at naglaro sa white sand ng Boracay sina Dahlia at Thylane kasama si Erwan na makikita sa video na ibinahagi nina Anne at Solenn sa kanilang Instagram.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Bukod sa paglalaro, masaya din na nag-bonding sina Dahlia at Thylane habang nakaupo sa kanilang baby chair at kumakain.
Pinusuan naman ng maraming netizens ang mga cute at magagandang litrato nina Anne at Dahlia habang sinusulit ang kanilang bakasyon sa Boracay. Cute na cute na tingnan si Anne at Baby Dahlia suot ang kanilang matching blue beach outfit.
View this post on Instagram
Isang art exhibit naman ang naganap sa hotel kung saan ibinida ng ilang local artist na naka-base sa Boracay ang kanilang mga likha na lahat ay mga larawan ni Anne.
Dalawang artwork ng kanyang sarili ang pinili ni Anne upang iuwi sa kanilang tahanan sa Manila.
Nagpapasalamat naman si Anne sapagkat nabigyan siya ng pagkakataong makita ang magagandang likhang sining ng mga local artist ng Boracay.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Ani Anne, “Thank you @CRIMSONBORACAY for giving me a chance to meet such amazing artists and giving them an opportunity to showcase their work.”