Isang napakagandang biyaya ang dumating sa buhay ng batang actress-singer na si Janella Salvador noong nakaraang taon. Ito ay ang unang anak nila ng kanyang nobyong si Markus Paterson na si Baby Jude Trevor.
Credit: @superjanella Instagram
Matatandaang inilihim ni Janella ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Ngunit sa pagsisimula ng taong 2021, ay tuluyan nang ipinakilala ni Janella ang anak nila ni Markus na isinilang niya sa United Kingdom noong October 2020.
Credit: @superjanella Instagram
January nang ibahagi ni Janella sa YouTube channel nila ni Markus ang kanilang pregnancy journey. Sa vlog ay mapapanood ang ilang hindi malilimutang pangyayari sa kanilang pregnancy journey tulad na lamang nang nalaman nila ang kasarian ng kanilang anak hanggang sa isilang ni Janella si Baby Jude.
Credit: @superjanella Instagram
Samantala, kahit naging sekreto ang pagbubuntis ni Janella ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi niya gawin ang mga karaniwang ginagawa ng kapwa niya celebrity moms― isang maternity shoot.
Bago pa man manganak si Janella at lumipad patungo sa ibang bansa upang doon manganak ay sumabak muna siya sa isang maternity sho0t dito sa Pilipinas.
Credit: @superjanella Instagram
Tulad ng kanyang pregnancy reveal ay late na rin na ipinakita ni Janella ang kanyang maternity photos na talaga namang nagpa-w0w sa maraming netizens.
Tila perfect time ang napili ni Janella para ibahagi sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang maternity photos.
Credit: @superjanella Instagram
Sa mismong Mother’s Day kasi ipinost ni Janella sa kanyang Instagram account ang ilang larawan niya kuha mula sa kanyang maternity shoot.
Isang long black maternity dress ang suot ni Janella sa kanyang maternity photos. Makikitang simple ngunit napaka-eleganteng tingnan ni Janella sa mga larawan.
Makabuluhan naman ang isinulat ni Janella bilang caption ng kanyang post. Dahil Araw ng mga Ina, inilarawan ni Janella kung anong pakiramdam na maging isang ina.
Credit: @superjanella Instagram
Ayon kay Janella, kahit na ilang buwan pa lamang ang makalipas matapos siyang maging isang ganap na ina ay masasabi niyang binigyan siya ng motherhood ng “purpose” sa buhay.
Aniya, “There are no words to perfectly describe what being a mum is like so far― but one thing I have learned is that although I may have somehow lost myself, I gained my purpose.”
Nakilala si Janella ng marami dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagkanta. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay “Be Careful With My Heart” at “Killer Bride”. Isa naman ang kantang “Mahal Kita Pero” sa mga sikat na kanta ni Janella.
Credit: @superjanella Instagram
Nitong nakaraang buwan lamang, matapos ang mahigit isang taong pahinga mula sa showbiz, bumalik na sa trabaho si Janella bilang guest sa Kapamilya variety show na “ASAP Natin ‘To”.