Silipin ang nakakakilig na prenup photoshoot ng soon-to-be-wed couple na sila Ellen Adarna at Derek Ramsay

Muli ay labis na kilig ang hatid nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa netizens nang ipinasilip ang mga larawang kuha sa ginanap nilang prenup shoot.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Simula nang inanunsyo nina Ellen at Derek sa publiko ang kanilang relasyon, isa na sila ngayon sa couples na talagang sinusubaybayan at tinututukan ng netizens.

Matapos ang isang buwan simula nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relationship, niyanig nilang muli ang publiko nang inanunsyo na sila’y engage na.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa pinakabagong post ni Ellen sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa prenup shoot nila ng fiancé na si Derek. Parehong good looking at appealing, talagang pinahanga nila ang netizens sa naging resulta ng kanilang photoshoot.

Unang sulyap pa lamang sa prenup na mga larawan nina Ellen at Derek, mararamdaman na ang kanilang nag-uumapaw na chemistry. Halos hindi naman maka-get over ang netizens sa paraan ng kanilang pagtititigan at ng kanilang mga ngiti sa isa’t-isa.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa pagbabahagi ni Ellen sa solo na larawan ni Derek, hindi lamang netizens at fans kung hindi pati ang kanilang kapwa celebrities ay kinilig din sa caption ng aktres na, “Heyy… D… 🤪😍❤️”.

Samantala sa isang hiwalay naman na post ni Derek, muling nadagdagan ang kilig na naramdaman ng netizens dahil sa kanyang caption na, “Hey E!!! ❤️” kalakip ng solo na larawan ni Ellen.

Bagama’t marami man ang nagkakaroon ng ideya na sobrang bilis ng naging takbo ng relasyon nina Ellen at Derek sa katunayang ilang buwan pa lamang simula nang opisyal na naging sila, patuloy naman na pinapatunayan ng dalawa na tunay ang pagmamahalan nila.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi naman sukatan ang ilang taong pagsasama bilang magkasintahan para mapatunayan na totoo at puro ang nararamdaman nilang pagmamahalan dahil katulad nina Ellen at Derek, nahanap nila ang isa’t-isa matapos ang mga nagdaang relasyon na nauwi lamang sa [email protected] na hiwalayan.

Ngayon na nahanap na nila ang tunay na pagmamahal sa isa’t-isa at nakikita na ng dalawa ang kanilang future nang magkasama, determinado sina Ellen at Derek na mas patatagin pa ang kanilang relasyon.