Silipin ang napakagandang apartment na titirahan ng dalagang anak ni Dimples Romana habang nag-aaral sa Australia

Unti-unti ng hinahanda ang mga kailang para sa pag-alis ng panganay na anak ni Dimples Romana na si Callie patungong Australia para maabot ang kanyang pangarap na maging isang piloto.

Credit:ย @dimplesromana Instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dimples ang mga letrato ng titirhan ni Callie sa Australia. Makikita sa litrato kung gaano kalaki at kalawak ang pansamantalang tirahan ng dalaga.

Makikita sa mga letrato na may ilang mga kwarto ang nasabing property at meron din itong sariling kitchen.

Bukod pa dito ay ipinakita din ni Dimples na meron itong swimming pool sa itaas ng naturang property.

Credit:ย @dimplesromana Instagram

Kalakip ng mga letrato ng property ay mensahe ng pasasalamat ni Dimples para sa mga tumulong sa kanila para mahanap ang napakagandang apartment na iyon.

“JUST want to GIVE a very special and HUGE thank y0u and sh0ut0ut t0 tw0 0f 0ur fairyg0dsisters @isragram9 @zarrinr for helping us get this place f0r Ate @callieahmee while sheโ€™s in c0llege there! Canโ€™t thank you b0th en0ugh. Callie is smiling fr0m ear to ear!! ๐Ÿ˜‹๐Ÿฅฐ”ย 

Credit:ย @dimplesromana Instagram

Pabiro namang sinabi ni Dimples baka hindi na makangiti ang kanyang anak kapag namiss nito sila at ang kanilang mga luto sa bahay.

“Tignan k0 lang kung makangiti to pagnamiss nya na kami at lut0ng bahay dit0 ๐Ÿ˜‚”

Pinaalalahanan naman ni Dimples ang anak na kalakip ng kanyang independence ay ang malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya lalo na at kailangan na niyang matutunan ang lahat ng mag-isa.

Credit:ย @dimplesromana Instagram

“With great pleasure c0mes great responsibility Hihi ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜‚ While it is fun t0 be by y0urself ate, y0u will also have to learn to do everything 0n y0ur 0wn!!”

Sa dulo ng kanyang post ay nagbiro pa si Dimples na dahil papasok na sa kolehiyo ang kanilang anak ay kakailanganin na niyang pumasok sa iba pang extra na mga trabaho.

Credit:ย @dimplesromana Instagram

“P.S. at dahil c0llege na si Ate namin, tumatanggap p0 ak0 ng extra labada, marun0ng po ak0ng umarte at mag h0st ๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ Sinusubukan k0 din p0ng kumanta at sumayaw. Magaling din p0 ak0 maglut0 at creative din po ak0 as a pers0n ๐Ÿ˜‚”