Silipin ang napakagandang bahay na ito ni Sylvia Sanchez na mamangha ka sa ganda at disenyo!

Maraming artista na ang nagpasilip ng kanilang mga magagandang tahanan sa publiko at sa tuwing makikita natin ang kanilang mga tahanan ay hindi naman talaga natin maiwasang mamangha at ma-inspire.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Ilan pa nga sa atin ang napapa-sana all na lamang dahil sa mga magagandang bahay ng mga hinahangaang artista ngayon sa industriya tulad na lamang ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez.

Ngunit ang hindi alam ng publiko ay dugo’t pawis ang naging puhunan ni Sylvia at ng kanyang asawang si Art Atayde upang makapagpatayo muli ng isang napakagandang bahay.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na noong 2009 ay kabilang ang dating bahay nila Sylvia sa mga nasalanta ng noo’y Bagyong Ondoy sa Ortigas City.

Matatandaang labis na napuruhan ang tahanan nina Sylvia noon na naging dahilan kung bakit sila nagdesisyong lumipat na lamang ng bagong bahay.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Matapos nga nilang makabangon ay naghanap ng bagong lugar na pagpapatayuan ng kanilang bagong bahay sina Sylvia. Sa puntong ito, sinigurado naman talaga nilang nasa mataas na lugar ang bahay at hindi binabaha para maiwasan ang nangyari noon sa kanilang dating bahay.

Nakapagtayo nga muli ng bagong bahay sina Sylvia at ito ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Masusulyapan sa mga Instagram post ng aktres ang loob ng kanilang bahay na nabisita na din ng kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Malawak din ito at tahanan ng mga koleksyon ng pamilya ni Sylvia ng mga porcelain art figurine.
Sa kanilang bagong bahay ay may sariling kwarto rin ang mga anak ni Sylvia na may kanya-kanyang career na sa showbiz na sina Arjo at Ria Atayde.

Makikita naman sa ilang larawan na simple lamang ang disenyo ng bagong bahay na ito nina Sylvia ngunit nagiging espesyal ito dahil sa kanilang masaya at matatag na pamilya na sinubok man ng problema ay muli namang nakabangon.

Si Sylvia Sanchez ay sumikat noong dekada 90 dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida sa teleseryeng “Esperanza.”

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Kamakailan ay bumida si Sylvia sa hit drama series na “Huwag Kang Mangamba” na pinagbidahan naman ng dalawang young actresses na sina Francine Diaz at Andrea Brillantes.