Silipin ang simple ngunit puno ng sayang 42nd birthday celebration ng Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo

Simple ngunit puno ng saya ang naging selebrasyon ng “Eat Bulaga” host at mister ng aktres na si Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo ng kanyang ika-42 taong kaarawan.

Credit: @officialjuday Instagram

Nitong April 10, ipinagdiwang ni Ryan ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang asawa at ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Ipinasilip naman ni Judy Ann sa kanyang Instagram account ang mga kaganapan sa naganap na simpleng salu-salo nilang magpamilya.

Credit: @officialjuday Instagram

Sa bahay lamang ipinagdiwang ni Ryan ang kanyang kaarawan at bukod sa kanyang pamilya ay dumalo rin ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Bilang maybahay naman ay si Judy Ann ang namahala sa simpleng birthday celebration ni Ryan.
Todo effort si Judy Ann para bigyan ng masayang birthday celebration ang kanyang mister.

Makikita na si Judy Ann ang nagluto ng karamihan sa handa ni Ryan na ipinakita naman niya sa kanyang Instagram stories.

Credit: @officialjuday Instagram

Black at blue ang motif ng birthday celebration ni Ryan. Matching sa kanilang black outfit ang buong pamilyang Agoncillo.

Samantala, isang video naman ang ibinahagi ni Judy Ann kung saan mapapanood si Ryan na pinapaputok ang isang napakalaking itim na balloon.

May nakasulat pang “Pop Me” sa balloon at dahil dito ay inakala ng netizens na may ire-reveal sina Ryan at Judy Ann.

Karaniwang kasing ginagawa ito ng mga mag-asawa na nagkakaroon ng isang gender reveal.
Inakala tuloy ng ilang netizens na buntis si Judy Ann. Komento ng netizens:

“Kala ko buntis si judy ann kc nagpapaputok ng balloon”

“Ano yong paballoon akala ko naman gender reveal”

“Akala ko gender reveal joke lang po…Happy Birthday Ryan”

Credit: @officialjuday Instagram

“I seriously thought it was a gender reveal og”

Ngunit nang pumutok na ang balloon ay tanging mga balloon lamang na kulay asul, puti, itim at napakaraming confetti ang laman nito.

Gayunpaman, kitang-kita pa rin sa mukha ni Ryan ang labis na kasiyahan.

Isang sweet photo rin nilang dalawa ni Ryan ang ipinost din ni Judy Ann kung saan kitang-kita na hindi pa rin kumukupas ang ka-sweetan nilang mag-asawa.

Credit: @officialjuday Instagram

Kalakip ng kanilang litrato ay ang birthday message ni Judy Ann para sa kanyang mister.

Ani Judy Ann, “My love.. my forever.. (wala ka naman ng choice 😝) i love you… happy birthday.. my happiness. ❤️❤️”