Simple at effortless na gender reveal ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa magiging ikalawang baby, patok sa netizens!

Kung karamihan sa mga kilala nating couple sa showbiz ay engrande at talagang pinaghahandaan ng mabuti ang revelation sa gender ng kanilang magiging baby, simple at effortless lamang itong ginawa ng mag-asawang si Solenn Heussaff at Nico Bolzico na talaga namang bentang-benta sa netizens.

Credit: @solenn Instagram

Hindi lamang purong sweetness at kilig ang natutunghayan natin sa tuwing nagbabahagi ng update ang showbiz couple na si Solenn at Nico dahil ipinapakita lang naman nila ang pagiging goofy nila pareho na madalas na nauuwi sa pranks na talaga namang kinaaliwan ng kanilang fans at maging ang kapwa nila celebrities dahil nagpapatunay lang naman ito kung gaano sila ka-comfortable sa isa’t-isa.

Bagama’t isa naman ngayong ganap na pamilya, hindi pa rin nawawala ang pagpapalitan nila ng pranks at mas nagiging extra at creative sa lahat ng ginagawa. Matatandaan nito lamang buwan ng Hulyo nang isinapubliko ng couple na magiging Ate na ang kanilang panganay na anak na si baby Tili sa pamamagitan ng x-ray gamit ang isang cellphone na itinapat ni Nico sa tiyan ni Solenn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Dahil sa kanilang kakaiba at unique na revelation sa magandang balita, labis silang kinaaliwan ng karamihan at pinaulanan ng mga papuri tungkol sa katotohanang hindi umano kailanman nawawalan ng ideas ang dalawa ngunit tila’y hindi lamang dito natatapos ang epic na revelation ng couple dahil muli na naman nila tayong ginulat kumakailan lamang nang ibinahagi nila sa kanilang fans ang gender sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Credit: @solenn Instagram

Sa video na ibinahagi ni Nico sa Instagram, masasaksihan kung paano niya advance na nilinaw at pinagbawalan ang magiging baby girl nila ni Solenn tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend hanggang tumungtong umano ito sa kanyang ika-23 na kaarawan.

“I know you are very young but you are my daughter and we need to have this conversation about boyfriends. Don’t worry, I’ll make it short,” sabi ni Nico habang kinakausap ang anak na nasa sinapupunan ni Solenn.

Credit: @solenn Instagram

“You cannot have a boyfriend until you are 23 years old.”

Bagama’t strict man sa kanyang rule, kaagad namang naging soft si Nico at hinalikan ang baby bump ng asawa habang wala namang nagawa si Solenn kundi magkibit-balikat na lamang.

Credit: @solenn Instagram

Taliwas man sa nakasanayan nating bonggang gender reveal na may engrandeng parties at celebration pa, mas pinili naman ni Solenn at Nico na simplehan lamang ito pero dahil sa epic at effortless nilang revelation, talagang bumenta ito sa karamihan.