Kalmado lang ang naging reaksyon ni ‘Bossing’ Vic Sotto nang tanungin siya ni broadcast journalist Jessica Soho sa Sunday program nitong “Kapuso Mo, Jessica Soho” tungkol sa mga pamba-b@sh na natatanggap ng kanyang bunsong anak na si Talitha Maria sa social media.

Hindi na umano binibigyang pansin ng “Eat Bulaga” host ang mga taong nambabatikos sa kanyang dalawang taong gulang na anak.

Kwento pa ni Vic, mas mahalaga raw na maraming taong napapangiti si Tali dahil sa kanyang mga larawan at video na ipino-post ng kanyang Mommy na si Pauleen Luna.
Ani Vic, “Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.”

Dagdag pa ni Vic, “Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon.”
Aminado si Vic na mayroon talaga mga iresponsableng tao gumagamit ng social media. Aniya, “One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.”

Aminado rin si Vic na hindi niya kontrolado ang opinyon ng mga netizen. Ang mapapayo na lamang niya para sa mga gumagamit ng social media ay maging responsable sa pagbabahagi ng kanilang mga post at komento.

Pahayag ni Vic, “Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon ‘yan. Nasa demokrasya tayo pero let’s be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment.”

Matatandaang kinompronta na noon ng kanyang asawang si Pauleen ang mga nambabatikos sa kanilang anak na si Tali.

Pinaalalahanan noon ni Pauleen ang isang netizen na nanglait kay Tali sa pamamagitan ng Facebook page ng @TRNDSmnl.

Banta ni Pauleen sa nanglait sa kanyang anak na may pangalang Patrich Walter L. Harris sa Facebook, “I would just like to let you know that I can sue you for shaming and cyb3rbully!ing a minor.”
Humingi naman noon ng tawad ang nasabing netizen hindi lamang kay Pauleen kung hindi sa lahat ng mga magulang na nasaktan sa kanyang mga negatibong komento.

Sa kasalukuyan, ay regular host pa rin si Vic sa longest-running Philippine noontime show sa telebisyon na “Eat Bulaga”. Dahil naka work-from-home ngayong panahon ng qu@rantine si Vic ay sa bahay lang muna siya nagti-taping kaya madalas makikita ng mga manonood ang kanyang bunsong anak na si Tali.

Maliban kay Tali, ay mayroon pang apat na anak si Vic na sina Vico Sotto, Danica Sotto, Paulina Sotto at Oyo Boy Sotto.