Singer na si Angeline Quinto, ipinasilip ang buhay ngayon bilang isang first time mom

Isa sa mga mahirap na role ay ang pagiging magulang ngunit sa kabila ng pagod at hirap, rewarding naman ito para sa atin dahil sa fulfillment na nararamdaman natin sa tuwing pinagmamasdan natin ang ngiti at growth ng ating mga chikiting.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Isa si Angeline Quinto sa mga sikat na singer at aktres sa lokal ng industriya ng showbiz kaya marami talagang mga tao ang nakatutok at nakasubaybay sa kanya. Kung noon ay pinapabilib tayo ni Angeline o mas kilala sa kanyang palayaw na “Angge” dahil sa kanyang talento sa pagkanta at kahusayan sa larangan ng pag-arte, ngayon naman ay pinapahanga naman niya tayo dahil sa pagiging responsable niyang Mommy sa kanyang kauna-unahang baby.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Simula pa man noong pinasok ni Angge ang mundo ng showbiz hanggang sumikat, talagang natunghayan ng kanyang fans ang kanyang growth bilang isang singer at actress. Ngayon na isa na siyang magulang, nagawa natin na matunghayan ang katangian niya bilang isang Mommy kay baby Sylvio.

Sa latest na vlog ng singer, mapapanood ang bagong routine ni Angge sa umaga kung saan ay inuuna niya ang pagpapa-araw, pagliligo, at pag-aayos sa mga gamit ni baby Sylvio. Of course, katulong din niya ang kanyang non-showbiz partner sa lahat ng gawain.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Kung noon ay tanging sarili lamang ang inaasikaso mula sa paggising sa umaga, talagang nagbago na ang lahat dahil ngayon, priority talaga niya bilang Momshie ang anak.

Bilang isang first time Momshie, naninibago talaga si Angge dahil mula sa paggising, nag-aasikaso at naghahanda na siya para sa routine ng kanyang baby boy. Bagama’t marami at nakakapagod man ang sobrang daming dapat gawin, katuwang naman niya ang kanyang partner sa lahat ng gawain.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Bagama’t doble man ang pagod na nararamdaman ngayon ni Angge, aminado naman ang singer na fulfilling at incomparable ang kasiyahan niya sa tuwing karga-karga at pinagmamasdan si baby Sylvio.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Bago man para sa karamihan na makita si Angge sa labas ng showbiz at hindi nagpapamalas ng kanyang talento sa pag-arte o pagkanta, hinahangaan naman siya ng karamihan ngayon dahil sa pagiging responsible at hands-on niya sa pag-aalaga kay baby Sylvio.