Singer na si Rachelle Ann Go, buntis na sa unang anak nila ng kanyang foreigner husband na si Martin Spies

Masayang-masayang ibinalita ng singer na si Rachelle Ann Go ang isang napakagandang biyayang natanggap nila ng kanyang asawang si Martin Spies ngayong taon at ito ay ang kanilang first baby.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube      

Ito lamang Biyernes ay nag-upload ng isang video si Rachelle Ann na may pamagat na “NEW SEASON IN THE SPIES FAMILY| 2020 Highlights”. Dito ay unang ini-reveal ni Rachelle Ann na siya ay buntis na sa unang anak nila ni Martin.

Dumating nga ang napakagandang biyaya kela Rachelle Ann pagkatapos ng 2 taon at 7 buwan na pagsasama bilang mag-asawa.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Sa unang parte ng great reveal ni Rachelle Ann ay makikita silang sweet na sweet na nagyayakapan na mag-asawa at doon ay ipinakita na nga ang baby bump ni Rachelle Ann.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Ipinakita din sa video ang pinakaunang ultrasound na ginawa ng mag-asawa noong August 21. Kitang-kita sa video kung gaano ka-excited ang mag-asawa na makita ang sonogram ng kanilang panganay na anak. Doon nga ay na-reveal na 10 weeks pregnant na si Rachelle Ann.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

“Yes! Finally we are expecting!”, masayang sinabi ni Rachelle Ann sa kanyang vlog.

Sinabi din ni Rachelle Ann kung gaano sila ka-excited sa bagong yugto na kanilang buhay mag-asawa. Hindi din umano siya makapaniwala na magiging isang ina na siya.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh, I can’t believe it —I’m going to be a mama!” 

Bumuhos naman ang mga pagbati sa soon-to-be parents na sila Rachelle Ann at Martin.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

“Congrats Shin and Martin for sharing this Blessing to us. We will pray for your safe delivery next year and we look forward to see your baby. May baby na ang Shinatics. God Bless! Take care always. We love you. 😍😘”

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

“Yung nafeel na namin since September pa hahahah! Congratulations, ate Shin and Sir Martin!!!! ❤️❤️❤️❤️”

“So happy for the both of you!! Can’t wait to see your little angel here in your vlog very soon! Have a safe prenancy, Ms. Shin! God bless you all and your growing family. 🧡”

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Inaabangan ngayon ng mga fans ni Rachelle Ann kung baby girl o baby boy ba ang magiging panganay na anak ng singer. Sinabi ni Rachelle Ann na alam na nilang mag-asawa ang gender ng kanilang baby pero isasa-publiko na lamang nila ito pag-ipinanganak na ang kanilang baby.