Singer na si Ronnie Liang, naisakatuparan na ang pangarap niya na maging isang lisensyadong piloto

Nakilala ang mang-aawit na si Ronnie Liang sa reality-talent search na Pinoy Dream Academy kung saan siya ang naging second runner-up.

Credit: @ronnieliang Instagram

Pinasikat niya ang OPM hit na “Ngiti” na talaga namang nagpakilig sa mga manonood. Isa pa lamang ito sa dahilan upang hangaan ang mang-aawit.

October 2018 ng simulan ni Ronnie ang kanyang flying lessons dahil sinabi n’yang bata pa lamang siya ay pangarap niya nang maging piloto.

Credit: @ronnieliang Instagram

“Gusto ko pong maging magandang halimbawa rin sa mga kabataan na matupad nila ang mga pangarap nila regardless of what’s their status. Kasi kami noon, we are financially broke. Mahirap na mahirap po kami. From there, nangarap ako at nagsumikap. Now, nagpipiloto na po ako and I have my pin na.” Wika ni Ronnie.

Credit: @ronnieliang Instagram

Nagawa niya ang kanyang unang solo flight sa Subic noong 2019.

Hindi lamang isang mahusay na mang-aawit at piloto si Ronnie, sumabak din siya sa military training sa the Armor “Pambato” Division sa Tarlac kung saan nakamit niya ang pagiging second lieutenant pagkatapos ng graduation nito noong February 2020. Sinabi n’yang ang Marawi Seige noong 2017 ang naging daan upang bigyan n’ya ng atensiyong makatulong at mkapagsilbi sa bayan.

Credit: @ronnieliang Instagram

Tuloy-tuloy na nga ang achievements ng singer/actor kung saan ibinahagi niya sa Instagram ang pagiging isang lisensyadong piloto.

“Finally, I’ve gotten my license as a Pilot (PPL) after countless sleepless nights of studying and a multitude of flying hours of training. My childhood dream when I was in 4th grade has now materialized,” caption ni Ronnie sa nasabing IG post.

Credit: @ronnieliang Instagram

Ibinahagi ng singer/actor ang lubos na kasiyahan sa kabila ng mga pagod at puyat sa pag-aaral ay nakamit n’ya na rin sa wakas ang pangarap na maging piloto.

Credit: @ronnieliang Instagram

“I went confidently in the direction of my dreams and now it’s here — it’s a reality!” dagdag pa sa caption sa nasabing IG post kung saan makikita rin ang ilang larawan ng kanyang certificate at private pilot license. Makikita din si Ronnie habang minamaneho ang eroplano at nakasuot ng kanyang unipormeng pangpiloto.

Pinasalamatan ng singer/actor ang APG International Aviation Academy sa naging tulong nito upang makamit ang kanyang pangarap.

Credit: @ronnieliang Instagram

“ I would like to thank my APG International Aviation Academy Family for helping me in achieving my dream of becoming a pilot.” ani Ronnie.