Sofia Andres, ipinasilip kung gaano ka-sweet ang anak na si Zoe sa pamamagitan ng pagmasahe sa kanya

Ang pagiging magulang ay hindi lamang hihingin ang iyong pagsasakripisyo ngunit marami rin itong mga benepisyo.

Credit: Sofia Andres Instagram      

Ito ang pinatunayan ng first-time mom na si Sofia Andres ngayon na nararanasan na niya kung paano ipinapakita ng isang anak ang kanyang pagmamahal sa kanya.

Bukod kasi sa nakahanap si Sofia ng matalik na kaibigan sa katauhan ng kanyang anak, nakahanap din siya ng sariling masahista.

Credit: Sofia Andres Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ni Sofia ang isang video kung saan ay mapapanood ang kanyang napaka-cute na anak na si Zoe na minamasahe ang kanyang ulo.

Credit: Sofia Andres Instagram

Sa video ay maingat na minamasahe ni Zoe ang kanyang Mommy Sofia. Nakakatuwa rin ang ekspresyon na ipinapakita ni Zoe dahil halata sa mukha nitong masaya siya habang minamasahe ang kanyang Mommy Sofia.

Credit: Sofia Andres Instagram

Kitang-kita din sa video ang koneksyon sa pagitan ni Sofia at ng kanyang anak.

Caption ng IG post ni Sofia, “My little bestie is massaging me @iamzoemiranda”

 

View this post on Instagram

 

My little bestie is massaging me @iamzoemiranda 👼🏻

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Dahil sa cute video na ibinahagi ni Sofia, maraming netizen ang na-touch sa ipinakitang sweetness ni Zoe sa kanyang mommy. Komento ng netizens:

Credit: Sofia Andres Instagram

“Look @those beautiful eyes, full of love to her mama..the perks of being a mom is just endless”

“Sarap ng feeling pag may baby noh”

“So adorable and cute!”

Credit: Sofia Andres Instagram

“You’re daughter is so cute @iamsofiaandres”

“So sweet mommy and her baby”

Si Zoe ay anak ni Sofia sa kanyang longtime boyfriend na si Daniel Miranda na isang professional car racer. Isinilang ni Sofia si Zoe noong November 24, 2019 sa Sydney, Australia.

Credit: Sofia Andres Instagram

Noong June 21, sa pamamagitan ng isang Instagram video ay inanunsyo ni Sofia na isang ina na siya.

Aniya sa video, “They say when you’re pregnant, you get clingier. You crave a lot like a lot. It gets easier especially when your friends and your partner cooks for you. And eats with you. You get emotional and glowing. And then you eat more. You know what’s even more touching? It’s that a lot of people are there for you…”

Credit: Sofia Andres Instagram

Dagdag ni Sofia, “Our four-year relationship has gone through a lot. But at the end of the day, we make it easier for each other. And now that we’re parents, I know it’s gonna be more challenging for us. Now that I’m a mom, this has changed something in me. I’d also like to thank everyone who I gave my trust and never broke it. I love you, Daniel. And to my dear Zoe, my princess, our sunshine, welcome to our lives.”

Kilala si Sofia sa kanyang pagganap sa maraming teleserye at pelikula ng ABS-CBN. Ilan sa mga proyekto niya sa ilalim ng ABS-CBN ay “Princess and I”, “She’s Dating the Gangster” at “Forevermore”.