Sofia Andres, may pasilip sa kanyang napakagandang kwarto na mayroong classic at minimalist design

Isa sa mga paboritong panoorin ngayon ng mga netizen sa YouTube ay ang house tour vlogs ng mga sinusubaybayan nilang celebrity. Bukod kasi sa maaaliw sila habang nanonood ay maaari din silang makakuha ng ilang design ideas o inspirations na pwede nilang gawin sa kanilang sariling tahanan.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Mula naman nang magsimula ang p@ndemya, maraming celebrity ang binuksan ang kanilang tahanan para sa kanilang mga tagahanga. At isang bahagi ng kanilang bahay na gusto nilang ipakita sa kanilang mga tagahanga ay ang kanilang kwarto na kanilang personal space kaya malapit din ito sa kanilang puso.

Kabilang nga sa mga celebrity na kamakailan ay nagbigay ng pasilip sa kanilang kwarto ay ang Kapamilya actress na si Sofia Andres. Kahit na hindi pa 100% na tapos ang kanyang kwarto ay talagang hindi mapigilan ni Sofia na ipakita na ito sa kanyang mga tagahanga.

Una munang ipinakita ni Sofia ang kanyang magandang mini kitchen na mayroong marble kitchen top design. Swak din ang kulay gray na mga cabinet nito sa kabuuang aesthetic ng silid.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Hindi na rin talaga mawawala ang marble design sa kwarto ni Sofia dahil maging sa kanyang simple ngunit eleganteng banyo ay marble din ang walling nito. Nagco-complement naman ang gold accent ng ilang fixtures tulad ng shower head, towel racks, faucet at mga ilaw sa puting bathroom ni Sofia.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Neutral colors din ang mga napiling palamuti at furniture ni Sofia para sa kanyang kwarto tulad ng kanyang kama hanggang sa kanyang cozy green sofa. Kwento ni Sofia, favorite spot niya sa kanyang kwarto ang kanyang sofa dahil dito umano siya kadalasang nagpapalipas ng kanyang oras.

“My favorite part of this room is this one, the sofa, because I’m sure dito ako lagi nag chi-chill….” saad niya.

Ibinahagi naman ng nagdisenyo sa kwarto ni Sofia na si Karl Dioso ang nais nilang gustong ma-achieve na desenyo para sa kwarto ng aktres.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Aniya, “Basically, the design was more of fem classic design, and then for the accessory I think of some gold finishes that compliments Sofia’s personality.”

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Ayon naman kay Sofia, inabot ng 2 taon bago natapos ang pagpapagawa niya sa kanyang kwarto. Buntis pa umano siya noon sa kanyang anak na si Zoe nang magsimula ang konstruksiyon nito.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

“It’s been like two years na, buntis pa ako nun. Ngayon pa lang sya matatapos,” ani Sofia.

Credit: Daniel and Sofia YouTube 

Sa katunayan, ilang bahagi ng kwarto ni Sofia tulad ng kanyang malaking walk-in closet ay kasalukuyan pang ginagawa.