Espesyal para sa karamihan ng mag-asawa ang mismong araw kung kailan sila nanumpa na mamahalin nila ang isa’t isa sa hirap man o ginhawa. Kaya naman nakasanayan na ng maraming mag-asawa na ipagdiwang ang kanilang wedding anniversary.
Credit: @solenn Instagram
Samantala, may iilang mag-asawa naman ang nakakalimot ng kanilang wedding anniversary. Isa nga rito ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
Ibinunyag ni Nico sa isang Instagram post ngayong araw na pareho nilang nakalimutan ni Solenn ang kanilang wedding anniversary noong nakaraang May 21.
Credit: @solenn Instagram
Sa kanyang post, isang quote patungkol sa kasal ang isinulat ni Nico na aniya ay mula sa isang ‘anonymous’ na tao.
Ayon sa quote, ang pag-aasawa umano ay isang pagbubuklod sa pagitan ng isang tao na hindi nakakaalala ng mga anibersaryo at isang tao na hindi nakakalimot ng anibersaryo.
Pabiro namang sinabi ni Nico na ‘nagpapasalamat’ siya dahil pareho umano silang dalawa ni Solenn na nakakalimutan ang mga anibersaryo.
“‘Marriage is a bond between a person who never remembers anniversaries and another who never forgets them’- Anonymous! Thankfully we both forget anniversaries Bebu!” saad ni Nico sa caption ng masayang throwback wedding photo nila ni Solenn.
Credit: @solenn Instagram
Sa huli ay isang maikli ngunit nakakakilig na wedding anniversary message ang ibinahagi ni Nico para kay Solenn.
Ani Nico, “Happy 5 year and 6 days anniversary! I love you and choose you every day! #SosBolz #ForeverMakesSense”
At kahit ‘6 days late’ na ang kanyang wedding anniversary greeting, masaya ring binati ni Solenn si Nico.
Credit: @solenn Instagram
Mensahe ni Solenn, “Happy anniv 6 days late lol. 10 years together, 5 married. More ups than downs but a good merry-go round. Te amo @nicobolzico !”
Bilang tugon, sinabi ni Nico na puro masasayang sandali lamang ng pagsasama nila ni Solenn ang kanyang naaalala.
Credit: @solenn Instagram
Ayon pa kay Nico, hindi siya sigurado kung nagkaroon ba sila ng problema ni Solenn sa kanilang pagsasama.
View this post on Instagram
Ani Nico, “My expresssions in this videos are a reflexion of all the up and downs during those 10 years… i only remember the ups, not sure we had any downs… except for that time that I bought #ElPato and had to return it”
Credit: @solenn Instagram
Ang kasalan nina Solenn at Nico ay ginanap noong 2016 sa Combourg, France. Noong January 1, 2020 naman ay winelcome nila ang kanilang unang anak na si Thylane.