Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nagbigay ng update tungkol sa ipinapatayo nilang bahay sa Alabang

Hindi lamang pagmamahal o pag-aalaga ang kinakailangang ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil responsible rin sila na mabigyan ang mga ito ng maayos at komportable na bahay kaya sinigurado talaga ng couple na si Solenn Heussaff at Nico Bolzico na hindi lamang magandang buhay ang maibibigay nila sa kanilang mga anak kundi ay magandang bahay din!

Credit: @starkenph Instagram

Madalas man nating natutunghayan na nagbibiruan at nagpapalitan ng pranks ang mag-asawang si Solenn Heussaff at Nico Bolzico, isa naman silang mapagmahal at responsible na mga magulang sa kanilang anak na si baby Thylane o kung tawagin nila sa palayaw nitog si “Tili”. Ngayong lumalaki na ang kanilang pamilya sa nalalapit na pagdating ng kanilang ikalawang baby girl, mas nagiging practical at mature talaga ang couple.

Matatandaang Mayo nito lamang nakaraang taon nang ibinahagi ni Solenn at Nico ang pagpapatayo nila ng bahay sa Alabang para sa kanilang pamilya. Bagama’t wala pa man sa kanilang plano noon ang pagkakaroon ng ikalawang baby, numero unong priority na talaga ng couple na magkaroon ng bahay na may mas malaking space at garden.

Credit: @starkenph Instagram

“I think it’s when you settle down and when you start having a child, you start thinking about bigger area, and an area where you won’t really need to go out often so obviously right now, we live in a house but we don’t have a garden so we really wanted to have our own place,” pahayag ni Solenn ‘nung groundbreaking ceremony sa ipinapatayo nilang bahay.

Sa tulong ng Mundo Design+Build, na-realize ng couple ang kanilang “dream house” na perfect umano para sa kanila at ngayong lumalaki na ang kanilang pamilya, mas kinakailangan talaga ng couple ng mas malawak na space para sa kanilang mga chikiting lalo na’t for sure ay mamamana rin ng kanilang magiging ikalawang baby ang kakulitan ni baby Tili.

Credit: @starkenph Instagram

Sa pagbisita ng couple sa site kumakailan lamang, ibinahagi ng aktres sa kanyang IG stories ang update sa ipinapatayong bahay kung saan ay makikitang kasalukuyan pa na sinesemento ang mga dingding.

Bagama’t kinakailangan pa man ng mahaba-habang panahon bago ito tuluyang matapos, makikita naman sa update ni Solenn na constructed na ang ikalawang palapag pati na rin ang kanilang magiging balcony.

Credit: @starkenph Instagram

Marahil ay aabutin pa ito ng maraming buwan o iilang taon pero for sure ay sa bahay nilang ito lalaki sina baby Tili at ang kanyang magiging kapatid.