Ngayon taon ay inanunsyo ng aktres na si Alex Gonzaga at ng kanyang boyfriend na si Lipa City councillor Mikee Morada ang kanilang engagement.

Dahil malapit nang mag-isang dibdib sina Alex at Mikee, kaya naman gustong makausap ng masinsinan ni TV actress-host Toni Gonzaga ang lalaking papakasalan ng kanyang kapatid.
Sa YouTube channel ni Toni ay ibinahagi niya ang ‘one-on-one-‘ interview niya kay Mikee na nagbigay daan para mas lalo pa niya itong makilala.

Pagsisimula ni Toni sa vlog, “I wanted to take this opportunity para kausapin si Mikee because for the past 4 years that they’ve been boyfriend and girlfriend we’ve never had a long and serious conversation… never ko pa talagang nakilala si Mikee on a deeper level. Kasi he’s going to be part of our family, he’s going to be my brother-in-law. Para lang mas alam ko lang ‘yung history ni Mikee.”

Una munang tinanong ni Toni si Mikee kung ano ang ‘fondest memory’ nito noong pagkabata niya. Kwento naman ni Mikee, “Simula six years old pa lang, naglalaro ako sa park buong araw. My whole life growing up, I was always part of a team tapos competitive. ‘Yun ang mga favorite memories ko talaga. Imbes na sumama ako sa family ko mag-abroad, nagpapaiwan ako kasi may liga kami.”

Ikwenento rin ni Mikee kay Toni na siya ay consistent honor student noong high school. At dahil nag-aral si Mikee sa isang ‘all boys school’ kaya naman masasabi ni Mikee na isa siyang atlethic-type na estudyante. Bilib na bilib naman si Toni sa pagiging matalino ni Mikee. Pero ayon kay Mikee, hindi umano siya matalino, matiyaga lamang.

Inusisa rin ni Toni kung ilan na ang babaeng nakarelasyon ni Mikee bago ang kanyang kapatid na si Alex.

Ayon kay Mikee, naka-dalawang girlfriend lamang umano siya bago niya natagpuan si Alex.

Ani Mikee kay Toni, “Dalawa lang [ang naging girlfriend ko bago si Alex]. Kapg mag-gi-girlfriend ako, to marry. Iniisip ko lagi tuwing mag-girlfriend ako, ito na yung papakasalan ko pero hindi siya nangyari.”

Napanood umano ni Mikee sa TV si Alex at may pagkakataon na tinitingnan niya ang social media post ng dalaga. Inamin din ni Mikee na kung hindi masayahin at madaling kausap si Alex ay baka hindi natuloy ang panliligaw niya rito dahil mahiyain umano siyang tao.

“Kaya siguro gumaan din yung [pakiramdam ko sa kanya] kasi mahiyain ako e. Hindi ko matatatsa. So buti na lang ganun siya, kasi kung hindi, baka hindi ko matuloy ‘yung panliligaw. Buti na lang ganun siyang tao.”

Sa huli ay sinabi ni Mikee kung bakit karapat-dapat ipaglaban si Alex.

Aniya, “Basta siya lang ‘yung nakikita ko eh. So, ‘yun lang. Just that thought parang lalaban ka na.”