Ang bawat mag-asawa ay nakakaramdam ng kakaibang excitement tuwing malapit na nilang makita ang kanilang sanggol.
Credit: @gorachelleann Instagram
Tulad na lamang ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies na hindi na makapaghintay na makita ang kanilang unang anak.
Si Rachelle ay 38 linggo nang buntis at anumang araw o linggo ngayong buwan ay manganganak na ito.
Credit: @gorachelleann Instagram
Dahil nalalapit na ang kanyang panganganak, sumabak ang theater actress-singer sa isang maternity shoot kasama ang kanyang mister na si Martin sa London, United Kingdom.
Ibinahagi ni Rachelle sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Martin na kinunan mula sa kanilang isinagawang maternity shoot.
Credit: @gorachelleann Instagram
Official photographer ng maternity photo shoot nina Rachelle at Martin ang Philippine-based photography-videography services company na Nice Print Photography na may team din sa London.
Credit: @gorachelleann Instagram
Halatang sobrang saya at enjoy si Rachelle habang ginagawa ang kanyang maternity shoot base na rin sa makikita sa kanilang mga litrato.
“We are so excited to share our maternity photos that we did with @niceprintphoto…I am so glad they have a team here in London to capture this special moment with us!” sulat ni Rachelle sa kanyang Instagram post.
Dagdag ni Rachelle, “Thank you so much guys! @spiesmj & I had so much fun doing this shoot—just in time for Baby Spies’ arrival”
Credit: @gorachelleann Instagram
Unang anak ito nina Rachelle at Martin kaya naman hindi nila mapigilang ma-excite dahil ilang araw na lamang ay magiging mommy at daddy na sila.
Ayon pa kay Rachelle, kahit hindi magiging madali ang kanilang pagdadaanan bilang mga magulang alam nilang kasama nila ang Diyos at magiging maayos ang lahat.
Aniya, “We are so excited to be parents. I’m not sure if I feel the nerves yet. We know it’s not going to be easy but all I know is everything will be perfectly fine. God is with us.”
View this post on Instagram
Dagdag niya, “We are also grateful for supportive family and friends around who have given us tons of advice,”
Credit: @gorachelleann Instagram
Sina Rachelle at Martin ay ikinasal noong September 2017 sa Boracay. Noong November 2020 naman ay ibinahagi nila sa lahat na magiging soon-to-be-parents na sila.