Matapos ang 8 taon na pagsasama bilang magkasintahan, masayang inanunsyo nina Kapuso actress Sophie Albert at Kapamilya actor Vin Abrenica na engaged na sila!
Credit: @vinabrenica Instagram
Isang araw bago ang araw ng mga puso, ibinahagi ng celebrity couple sa lahat ang magandang balita. Nag-post si Vin sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan ay makikita na hawak niya ang kamay ni Sophie na may suot na isang napakagandang engagement ring.
Nagbigay naman ng kilig sa lahat ang naging sweet caption ni Vin sa nasabing litrato. Madamdaming inihayag ni Vince na si Sophie ang dahilan kung bakit siya humihinga at nabubuhay. Hindi na nga raw siya makapaghintay na tumanda kasama ang napakagandang aktres.
View this post on Instagram
Ani Vince, “You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life. We’re engaged!!”
Base sa Instagram post ni Vin, nangyari ang kanyang wedding proposal para kay Sophie noong December 12, 2020.
Samantala, sinabi naman ni Sophie sa kanyang Instagram post na kaya nila itinago pansamantala sa lahat ang kanilang engagement ay dahil nilalasap pa umano nila ang pakiramdam bilang bagong engaged couple.
Credit: @vinabrenica Instagram
Pahayag ni Sophie, “Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me. 🥲 Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives. We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED!”
Nagpasalamat din si Sophie kay Vin para sa lahat at idinagdag niya na mapalad siya na magkaroon ng isang Vin bilang kanyang “best friend for life”.
Ani Sophie, “💍Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life.💖”
View this post on Instagram
Bago ang kanilang engagement announcement, ibinahagi ng celebrity couple na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanilang ika-8 anibersaryo bilang magkasintahan, na magsasama na sila sa iisang bahay.
Credit: @vinabrenica Instagram
Unang nagkakilala sina Sophie at Vin sa TV5 talent search na Artista Academy noong 2012.
Sa mga hindi nakakaalam, si Vin ay ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.