Sophie Albert at Vin Abrenica, mga ganap nang magulang sa kanilang unang anak!

Isa nang ganap na mommy ang Kapuso actress na si Sophie Albert matapos niyang isilang ang panganay na anak nila ng kanyang fiancè na si Kapamilya hunk actor Vin Abrenica.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Sophie ang larawan ng kamay ng kanilang baby girl.

Base sa caption ng larawan, noong Marso 15, ipinanganak ni Sophie ang munting prinsesa nila ni Vin.
Wala namang iba pang detalye na ibinahagi si Sophie tungkol sa kanilang baby girl.

Nagsisimula na nga sa kanyang daddy roles si Vin base sa litratong ibinahagi ni Sophie sa kanyang Instagram story.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Sa larawan ay kalong-kalong ni Vin ang kanyang panganay habang pinapaded3 ito.

Bumuhos din ang pagbati para sa kanilang dalawa mula naman sa mga kasamahan nila sa showbiz.

“Congratulations” – @maxcolliinsofficial

“Congrats tito vin & ninang!!!” – @herrasmarkangeloofficial

“Congratas to you and Vin”” – @adrian_alandy

Credit: @itssophiealbert Instagram

“Hiiii babyyy welcome to motherhood sophie” – @nicole_donesa

Matagal nang excited ang celebrity couple na makita ang kanilang unang anak at ngayon nga na lumabas na ito ay talaga namang walang paglagyan ang kanilang kasiyahan.

Idinodokumento naman nila sa kanilang mga vlog ang naging paghahanda nila para sa pagdating ng kanilang baby girl. Kabilang dito ang pagbili nila ng mga gamit ng kanilang baby girl at ng isang car seat!

Credit: @itssophiealbert Instagram

Buwan ng Pebrero nang inanunsyo nina Sophie at Vin ang kanilang engagement na kaagad namang sinundan ng kanilang pregnancy reveal.

December 2020 pa nag-propose si Vin kay Sophie ngunit pinili muna nila itong hindi ibahagi sa publiko.

“Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me. 🥲 Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives,” ani Sophie.

Credit: @itssophiealbert Instagram

Dagdag niya, “We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED! 💍 Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life.💖”

Nagkakilala sina Sophie at Vin noong 2012 nang pareho silang maging kalahok sa dating talent search ng TV5 na “Artista Academy”.