Puno ng excitement na ibinahagi nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa kanilang mga subscriber ang ilang update ng paglilipat nila sa kanilang bagong bahay.
Credit: Vin & Sophie YouTube
Sa kanilang pinakabagong vlog, ipinasilip ng engaged couple ang loob ng kanilang bagong bahay noong hindi pa natatapos ang konstruksyon nito at ngayon na tapos na ito at naglilipat na lamang sila ng mga gamit.
Noong January pa dapat nakalipat sina Vin at Sophie sa kanilang bagong bahay dahil October 2020 pa nila ito nabili at konti na lamang daw ang aayusin dito.
Ngunit ayon kay Vin, natagalan ang paglipat nila dahil hindi nasunod ang pinagkasunduang petsa nila ng kanilang kinuhang developer kung kailan dapat matatapos ang konstruksyon nito.
Ani Vin, “Kasi nabili na yung bahay last October pa and they promised na January daw matatapos na yung bahay. Until nag-January, February, March pumunta kami sa bahay, pumupunta kami sa site ng walang natatapos.”
Credit: @itssophiealbert Instagram
Isa rin umano sa mga pinagmulan ng ‘stress’ ni Sophie habang nagbubuntis siya sa kanilang anak na si Avianna Celeste ay ang kanilang bahay.
Plano raw kasi nila na bago manganak si Sophie ay nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay.
Kaya ngayong nanganak na ito ay si Vin na muna ang mag-isang nag-aasikaso sa kanilang paglilipat para na rin sa kaligtasan ng kanilang bagong silang na anak.
Credit: Vin & Sophie YouTube
Sa vlog, ipinakita ni Vin ang loob ng kanilang bahay. Kabilang dito ang sala, master bedroom, at ang bathroom na paborito nilang parte sa bahay.
Inamin naman ni Vin na malungkot siya dahil hindi niya kasama si Sophie sa paglilipat at pag-aayos ng kanilang gamit.
Kwento ni Vin, sobrang excited ni Sophie na lumipat at mag-ayos ng kanilang mga gamit lalo na sa nursery room ng kanilang anak.
Credit: Vin & Sophie YouTube
Ani Vin, “I just feel so sad kasi dapat kasama si Sophie sa journey na ito kasi alam ko sobrang, sobrang mag-eenjoy yun. Kasi alam ko sobrang fun nito para sa kanya, yung pag-aayos ng nursery ni Avianna.”
Dagdag ni Vin, “Siyempre gusto niya siya yung nag-aayos, pihikan sa mga ano ‘yun eh, sa mga gamit sa bahay, kung saan nakalagay yung mga gamit but now Avianna is here.”
Maging siya rin daw ay excited sa pag-aayos sa nursery room ng kanilang sanggol.
Ani Vin, “Kahit ako dun ako pinaka-excited actually. Everything now for Avianna, dun na kami na-eexcite.”
Samantala, pagkatapos namang asikasuhin ni Vin ang paglilipat sa kanilang bagong bahay ay kaagad niyang ginampanan ang kanyang Daddy duties.
Makikita nga sa huling bahagi ng vlog na hinehele niya ang kanilang halos 1-buwang gulang na sanggol sa pamamagitan ng isang lullaby na talagang pinagpraktisan niyang kantahin.
March 15 ngayong taon ipinanganak ni Sophie sa pamamagitan ng cesarean delivery ang kanilang anak.