Sophie Albert, game na ipinasyal ang netizens sa napakagandang beach house ng kanyang pamilya sa Batangas

Kung may maganda man na naidulot ang kasalukuyang [email protected], ito ay mas pinaglapit nito ang napakaraming pamilya. Ngunit hindi natin maikakailang sa mahabang panahon na tayo ay namalagi sa ating mga tahanan ay nami-miss nating magpunta sa beach o sa iba pang pasyalan para mag-relax kasama ang ating pamilya.

Credit: Vin & Sophie YouTube

Kaya naman masayang-masaya ang celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica dahil kamakailan lamang, muli silang nakabalik sa kanilang beach house sa Batangas.

Kwento ni Sophie, noong wala pang [email protected] ay talagang halos kada-linggo silang nagpupunta sa kanilang beach house.

“When this house was first built, we were here like every single weekend. But then, people got busy and the pandemic happens, so super minsan na lang we have to come here,” saad pa niya.

Credit: Vin & Sophie YouTube

Sa muling pagbabalik nga nila sa kanilang beach house, nagbigay pasilip sina Sophie at Vin sa loob nito.

“Balai Hilom” o “healing house” ang ipinangalan ng ina ni Sophie sa kanilang beach house na kaharap lamang ng Matuod Beach.

Nagbahagi naman ng isang trivia si Sophie tungkol sa Matuod Beach. Aniya, “She (mom) said that this beach is called Matuod Beach, because no matter how far you go the waters is only until your knees…”

Credit: Vin & Sophie YouTube

Sa kanilang paglilibot, game na ipinakita nina Sophie at Vin ang loob ng beach house tulad ng magandang garden ng mommy ni Sophie na sagana sa mga magagandang halaman at ang mga kwarto na tinutuluyan nilang magpamilya sa tuwing pumupunta sila rito.

Isang dining hall naman ang matatagpuan sa gitna ng beach house. Mula rito’y masisilayan ang napakagandang view ng dagat. Kung sawa ka naman sa dagat, pwede kang mag-enjoy sa kanilang swimming pool.

Ayon naman kay Sophie, ang paborito niyang spot sa kanilang beach house ay ang deck at ang katabi nitong cabana.

“My favorite spot is here (the deck), or in the cabana kasi that’s usually where we socialize, where we make kwentuhan and then at night we stay here you can see the starts,” bahagi ni Sophie.

Credit: Vin & Sophie YouTube

Kung si Sophie naman ang tatanungin, “best thing” umano sa kanilang beach house ay ang makikitang napakagandang sunset mula rito.

Saad pa niya, “The sunsets here are so beautiful, as in the skies are so nice, it usually pink or purple.”

Credit: Vin & Sophie YouTube

Lingid naman sa kaalaman ng karamihan, sa beach house rin nila Sophie nagpropose si Vin. Kaya naman para kay Vin, may espesyal na lugar sa kanyang puso ang beach house.

Matatandaang December 2020 ginanap ang romantic proposal ni Vin kay Sophie. Dito rin ginanap ang kanilang trending maternity shoot.

Credit: Vin & Sophie YouTube

Samantala, Pebrero ngayong taon ay inanunsyo ng dalawa na magkaka-baby na sila. Noong Marso, winelcome naman nila ang kanilang cute baby girl na si baby Avianna Celeste.