“StarStruck” alumna na si Nadine Samonte, labis ang pasasalamat at kasiyahan matapos ligtas na maisilang ang kanyang ika-3 anak!

Labis ang pasasalamat at kasiyahan ng “StarStruck” alumna na si Nadine Samonte matapos niyang ligtas na maisilang ang pangatlong anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Richard Cua.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Matatandaang nitong mga nakaraang buwan lamang, bukas na ibinahagi ni Nadine sa lahat na maselan ang kanyang pagbubuntis sa kanilang bunsong anak dahil nga sa ilang kondisyon na mayroon siya tulad ng pagkakaroon niya ng P0lycystic Ov@ry Syndr0me (PC0S) at Ant!phosph0lipid Ant!body Syndrome (APA$).

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Nadine dahil kahit naging maselan ang kanyang pagbubuntis ay ligtas naman ang kanyang panganganak sa kanilang bunso.

Sa kanyang Instagram, masayang ibinalita ni Nadine na isinilang na niya ang kanilang bunsong anak na pinangalanan nilang Harmony Saige.

Credit: @nadinesamonte Instagram

At kasabay ng kanyang anunsyo, ipinakita rin ni Nadine ang mukha ng kanilang bagong bundle of joy na talaga namang napaka-cute.

“God is truly amazing. Thank you Lord. Everyone meet Harmony Saige Chua our third/bunso,” saad ni Nadine sa kanyang post.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Binanggit din ni Nadine sa caption na malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang d0ktor dahil isa ito sa mga tumulong upang malampasan niya ang kanyang ikatlong pregnancy.

Aniya, “I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything. I can say she is the best doctor talga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony. Ginagamit ka talaga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful.”

“Grabe ang journey ng third ko pero we survived. Thank you also to Dra. Sua for taking care of Harmony and to all the nurses and doctors thank you Manila Doctors Hospital will always have a special place in my heart, you guys are the best,” dagdag ni Nadine.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Ngayong nanganak na siya, sinabi ni Nadine na oras na para makapagpahinga siya pagkatapos ng lahat ng naranasan niya sa kanyang pagbubuntis.

Samantala, pinasalamatan din ni Nadine ang kanyang mister na kasama niya sa kanyang pregnancy journey.

“Now time to rest. Thanks everyone for congratulating us and sending prayers before ako pumunta sa OR. Thank you Pastor Ferdie for praying for me and the fam @therunningpastor appreciated it. Have a great day ahead. To my husband @rboy_chua thank you for taking care of the kids at mas kabado kpa kesa skin hahaha love you and the kids so much.”

Credit: @nadinesamonte Instagram

Nitong Oktubre lang ay ipinagdiwang nina Nadine at Richard ang kanilang 8th wedding anniversary sa pamamagitan ng isang romantic dinner date sa kanilang bahay kasama ang dalawa pa nilang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.