“Starstruck” alumnus na si Dion Ignacio, officially married na sa kanyang longtime non-showbiz partner

Ikinasal na ang Starstruck alumnus na si Dion Ignacio sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maria Aileen Sison Pacheco.

Credit: @dion_ignacio Instagram

Nitong March 30, ibinahagi ni Dion ang magandang balita na “officially married” na sila ni Aileen sa kanyang Instagram page.

Ipinost ni Dion ang ilang sweet wedding photos nila ni Aileen na kinunan ng Nice Print Photography. Ginanap ang magandang wedding ceremony at reception nina Dion at Aileen sa Viridis Countryside Garden sa Cavite.

Credit: @dion_ignacio Instagram

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Dion ang kanyang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay may “basbas na ni Lord” ang pagsasama nila ni Aileen.

Ani Dion, “Officially married!!! Sa teleserye ko lang nagagawa to ngayon totoo na! At ngaun ay nagsasama na kame ng tama sa mata ng diyos.”

Credit: @dion_ignacio Instagram

“Dreams really do come true. Can’t express how happy i am right now. Sobrang saya na may basbas na ni lord ang aming samahan bilang mag asawa. May he strengthen our relationship and grow forever in faith and love,” dagdag niya.

Pinasalamatan din ni Dion sa kanyang post ang mga taong sumuporta at tumulong sa kanila upang matupad ang kanilang “dream wedding”.

Matagal nang magkasintahan at nagsasama sina Dion at Aileen bago sila ikinasal ngayong taon.

Credit: @dion_ignacio Instagram

Isa naman sa mga pagsubok na hinarap nila sa kanilang relasyon ay nang madestino si Aileen noon sa ibang bansa bilang isang flight attendant ng isang kilalang airline company.

Pansamantala munang nagkahiwalay sina Dion at Aileen. Sinabi naman ni Dion na matapos umalis ni Aileen ay doon niya napagtanto na ito na ang babae para sa kanya.

Ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa at mayroon nang masayang pamilya kasama ang kanilang panganay na anak na si Dylanne Jailee.

Credit: @dion_ignacio Instagram

Matatandaang taong 2018 nang ipinakilala ni Dion sa publiko ang kanilang napakagandang anak. Si Dion ay unang sumikat nang sumali siya sa Kapuso talent search na “Starstruck” noong 2003.

Bukod din sa pagiging aktor, ay isang musikero si Dion at siya ay dating miyembro ng bandang “Philia” kung saan ay kasama niya si Arci Muñoz bilang kanilang bokalista.

Credit: @dion_ignacio Instagram

Sa ngayon ay napapanood sa GMA Network si Dion bilang isa sa mga cast ng drama seryeng “Magkaagaw”.