Sunshine Cruz, achieve na achieve ang “youthful look” sa kanyang bagong hairdo!

Talagang kakaiba ang taglay na kagandahan ni Sunshine Cruz dahil wala itong kinikilalang oras at panahon.

Hindi na palaisipan kung bakit sobrang bagay ang pangalang Sunshine sa kanya dahil talaga namang nakakasilaw ang kanyang kagandahan. Hindi rin kailanman binigo ng aktres ang kanyang fans at patuloy silang pinapahanga dahil effortless niyang napapanatili ang kanyang beauty kahit ngayo’y lagpas 40 na!

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Kadalasan na nakikita at natutunghayan ng lahat sa telebisyon si Sunshine na may mahabang buhok kaya naman nang napagdesisyunan ng aktres na ipagupit ang magandang buhok, marami ang nagulat sa naging resulta nito.

Maganda sa mahabang buhok at sa mga nagdaang hairstyle, muli namang ginulantang ni Sunshine ang karamihan sa bago niyang look kung saan ay maiksi na ngayon ang kanyang maitim na buhok at may bangs pa!

Kumakailan lamang nang pinagkaguluhan ng netizens at kapwa niya celebrities ang ibinahaging mga larawan si Sunshine sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita ang kapansin-pansing pagbabago sa kanyang mukha dahil sa bago niyang haircut.

“On to the next one ☺️🥰 Thank You for continually blessing me. Always grateful. 🙏🏻,” sulat ni Sunshine sa kanyang caption.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Ibinahagi rin ni Sunshine sa kanyang caption na si Marivic Peña ng South Salon ang nag-style sa kanyang buhok.

Sa isa pang hiwalay na post ni Sunshine kung saan ay makikitang nakaupo siya habang nakangiti sa harap ng kamera, hindi rin maipagkakaila na nagmistulan na dalaga ang aktres.

“Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good 🤍,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Hindi naman napigilan ng kanyang fans, supporters at pati na ng kapwa niya celebrities na ulanin siya ng papuri dahil achieve na achieve talaga ni Sunshine ang kanyang “youthlook look”.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

“Omg, Ms Shine!!! Super bagay!!!” saad ni Sue Ramirez.

“Wow!!! New look shine.. love it❤️” papuri naman ni Almira Muhlach.

“🙌 💯 😍,” komento ni Jacky Forster.

“love the hair so much,” sabi naman ng kanyang daughter na si Sam Cruz.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Halos hindi naman makapaniwala ang karamihan sa katotohanang 43 taong gulang na ngayon si Sunshine pero effortless pa rin niyang nagagawa na magmukhang dalaga!

Kinagiliwan din ng netizens ang larawang ibinahagi ni Sunshine sa Instagram kung saan ay makikitang katulad niya, may bangs rin ang kanyang magagandang anak. Talagang “like mother like daughters!”

Dahil sa pak na pak na new look ni Sunshine, marami na ngayon sa kanyang fans ang gusto rin na ma-achieve ang pagiging “young looking”. Talagang pinatunayan ng aktres na walang kinikilalang edad ang tunay na kagandahan.

Of course, ang unang hakbang patungo sa pagiging “young looking” ay ang magandang haircut!