Sunshine Cruz, ibinahagi ang kasiyahan at pagbati sa pagtatapos ng kanyang anak na si Samantha Angeline sa Junior High School

Isang magandang balita ang ibinahagi ng aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang Instagram. Ito ay ang pagtatapos ng kanyang anak na si Samantha Angeline sa junior high school.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

“Congratulations Sam! It is such a heart-filling moment seeing you graduate from Junior High School onwards to Senior High! These are definitely moments that cannot be replaced,” caption sa nasabing Instagram post.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Sunshine ang kanyang anak na si Sam na naka school uniform hawak ang tablet na ginamit sa kanilang online moving up ceremony.

Kasama rin sa nasabing post ang isang video ng nasabing online graduation. Makikita sa video na nang marinig ng mag-ina na tawagin ang pangalan ni Sam ay hindi maitago ni Sunshine ang kasiyahan nang batiin ng “Congratulations” ang kanyang anak.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Hindi rin naman maitago ni Sam ang kaligahan ng mga sandaling ‘yon. Pinasalamatan din ni Sunshine ang anak sa pagtupad nito sa kanyang pangako na tatapusin ang pag-aaral kahit na sinimulan na nito ang career sa showbiz.

“Thank you for fulfilling your promise to me that even if you have started your career in show business and have been busy, you still made sure that you made your studies a top priority in your now many obligations. We love you Sam!” dagdag sa caption sa IG post ni Sunshine.

Kaya naman lubos na kasiyahan ang naramdaman ng aktres para sa achievement ng anak at sa pagtupad nito sa ipinangako sa kanya.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Hindi man mapigilan si Sam na pasukin ang show business dahil minsan niya nang ibinahagi ang pagiging interesado sa trabaho ng kanyang mga magulang simula noong siya ay bata pa lamang, tinupad niya pa din ang pangako sa kanyang ina na magtatapos ng kanyang pag-aaral na lubos na ikinatuwa nito.

Opisyal na myembro na si Sam ng Star Magic Family at mapapanood sa ASAP stage na umaawit kasama ang iba pang kapwa mang-aawit at myembro ng ASAP’S Gold Squad Plus na sina Angela Ken, KD Estrada at Anjoi Salvacion.