Sunshine Cruz, wais pagdating sa paggastos ng kanyang pera

Kilala man bilang isang bigatin at sikat na aktres sa industriya ng showbiz ay maingat si Sunshine Cruz pagdating sa pera. Natuto siyang maging praktikal at ang katangian niyang ito ay ipinapamana niya sa kanyang mga anak.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Bibihira lamang para sa isang kilalang artista ang pagiging maingat sa pera. Sa yaman ni Sunshine ay mas pinili niyang maging praktikal sa lahat ng bagay na bibilhin. Sa katunayan ay ang kanyang mamahaling bags na Hermes Birkin at Kelly ay ibinenta niya sa ideyang hindi iyon praktikal para sa kanya bilang isang single mom.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

“I shop once in a while,” pag-amin ni Sunshine na siyang ikanagulat ng netizens. Talaga namang hindi kapani-paniwala iyon lalo na’t isang sikat at mayaman na aktres si Sunshine.

“I used to have Hermes Birkin and Kelly but I don’t think it’s practical para sa isang single mom like me, kaya I’ve disposed of them,” kuwento ni Sunshine.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Ayon sa aktres ay okay lamang para sa kanyang ibenta ang mamahaling mga bag lalo na’t marami naman ang nagmamahal sa kanya na nagreregalo sa kanya ng bags. Kuntento na umano si Sunshine sa mga natatanggap na mga regalo galing sa mga kaibigan.

Ibinahagi rin ni Sunshine na ang hindi niya magagawang i-give up ay ang kanyang “gym time, facials, and treatments or South Salon time for me.”

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Gusto rin ng celebrity mom na ipamana ang pagiging “wise spender” sa tatlong babaeng anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca na mga anak niya sa dating partner na si Cesar Montano.

“I always tell them to buy things we need and not what we want,” sabi ni Sunshine.

Nito lamang Hulyo 18 nang ipinagdiwang ni Sunshine ang kanyang 44th birthday kasama ang buong pamilya. Sa kanyang Instagram ay nagbahagi siya ng mga larawan kung saan ay kasama niya ang kanyang pamilya sa espesyal niyang araw.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

“44! 🎂☺️🎈 Blessed and grateful to have the best gift one can ever have, the love of family. Words will never be able to express how much you all mean to me! ❤️,” sulat ni Sunshine sa kanyang caption.

Nagpaabot naman ng pagbati sina Kim Chiu, Karla Estrada, Jessa Zaragoza, at ang pinsan ni Sunshine na si Geneva Cruz.

Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Talaga namang napakagandang impluwensiya ni Sunshine sa kanyang tatlong babaeng anak.